Saturday , April 20 2024

Meneses pormal nang nagretiro sa PBA

KILALA bilang “The Aerial Voyager”, sa dami ng galaw at talas ng mata sa pagpasa ng bola ang hinangaan sa dating Philippine Basketball Association (PBA) star Vergel Meneses.

Maraming magagandang alaala ang inukit sa  PBA ng 6-foot-3 shooting forward na si Meneses kaya naman naging idolo rin siya ng mga kabataan.

Matapos ang mahabang 16 na taon, pormal nang nagretiro ang 1-time PBA MVP at 4-time All-Star Game MVP Meneses.

“To be honest, it’s one of the most memorable moments in my basketball career,” wika ng pambato ng Bambang, Bulacan na si Meneses, “To see all these people, especially long-time friends and supporters, gathered to celebrate with me on this retirement ceremony is  truly  memorable,”.

Si Meneses na dating star player ng Jose Rizal College (ngayon ay JRU) ay kasama sa PBA’s  25 Greatest Player at miyembro ng 5,000 points at 9,000 points clubs at 2,000 assists.

Ayon kay Meneses na tatlong beses nakatikim ng kampeonato, malaki ang naitulong sa kanyang paglalaro si coach Norman Black.

Pinuri rin ni former San Miguel Beer coach Ron Jacobs si Meneses na “most talented  player ever to play  in the PBA habang sinabi naman ni Black na isa siya sa mga best one-on-one player sa nasabing liga.

Kagaya ni PBA basketball superstar Samboy Lim, mahirap basahin ang mga galaw ni Meneses ayon pa kay Black.

Taong 1995 nang makuha ni Meneses ang MVP award napanalunan din nito ang scoring at assists.

Nag average ng 19.6 points at 6.6 assists per game sa 37 games noong 1996 season ang high flyer na si Meneses. (ARABELA PRINCESS DAWA)

About hataw tabloid

Check Also

NYBL Butz Arimado TOPS PSC

NYBL Inter-Cities lalarga sa Mayo 4

ISASAGAWA ng National Youth Basketball League (NYBL) ang 2nd Inter-Cities and Municipalities basketball championship  sa …

Philippine athletics TOPS PSC

Philippine athletics meet tatakbo na

Manila — Inilalagay ng Philippine Athletics Track and Field Association ang kanilang pinakamahuhusay na atleta …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

MILO 60th Anniversary

 MILO Philippines kicks off 60TH year celebration;  underpins commitment to grassroots sports development

15 April 2024 | Manila, Philippines – In a celebration event to mark its 60th …

Sambo PH team TOPS Paolo Tancontian Ace Larida

Sambo PH team potensiyal sa int’l arena

KUNG medalyang ginto ang nais ng sambayanan mula sa contact sports, ibilang ang Sambo sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *