Friday , December 4 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Chinese herbal doctor kinatay sa Binondo

Chinese herbal doctor kinatay sa Binondo

PATAY ang Chinese herbal doctor makaraang saksakin sa Binondo, Maynila kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Lam Hao Fai, natagpuang patay sa loob ng kanyang klinika sa Camelot Building sa Juan Luna Street dakong 10 pm  na nakatarak pa ang patalim sa kanyang dibdib.

Walang palatandaan ng forced entry sa klinika ng doktor at wala rin nai-ulat na nawawalang ka-gamitan ng biktima.

Huling nakitang buhay ang biktima dakong 3 pm kamakalawa.

Tumangging magbigay ng komento ang pamilya ng biktima kaugnay sa insidente.

Ayaw rin magbigay ng komento ang pulisya kaugnay sa kaso bunsod ng ipi-nalabas na direktiba ng PNP na ipinagbabawal na ang pagbibigay ng pahayag sa media.    (LEONARD BASILIO/

JASON BUAN)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top