Thursday , December 3 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Tserman napikon sa tambutsong maingay, nag-amok

Tserman napikon sa tambutsong maingay, nag-amok

DAGUPAN CITY – Dahil sa pagkapikon sa mai-ngay na tambutso ng motorsiklo, namaril ang isang punong barangay ng bayan ng Mangaldan sa lalawigan ng Pangasinan.

Hindi napigilan ng nagrorondang kapitan na si Jessie De Vera ng Brgy. Guiguilonen sa nabanggit na bayan, na paputukan ang magkaibigang sina Jason Muerong at Jordan Cabatlig, kapwa residente rin sa lugar matapos sitahin ang dalawa dahil sa maingay na tambutso ng kanilang sinasakyang motorsiklo.

Napag-alaman na imbes huminto ang dalawa ay pinaharurot pa ng magkaibigan ang kanilang sasakyan dahilan para sila ay paputukan ng barangay kapitan gamit ang kalibre .40 baril na may pitong bala.

Tinamaan sa kaliwang balikat si Muerong na agad dinala sa pagamutan.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top