Wednesday , December 2 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Paulo, umaasang mabubuo ang kanilang pamilya

Paulo, umaasang mabubuo ang kanilang pamilya

ni Reggee Bonoan

PUNUMPUNO ng pag-asa ang karakter ni Paulo Avelino sa top-rating drama series ng ABS-CBN na Honesto na muling mabubuo ang kanilang pamilya sa kabila ng pagkamatay ng kanyang inang si Lena (Angel Aquino).

Sa hangaring maitama ang pagkakamali ng kanilang pamilya ay desidido na si Diego (Paulo) na ilantad ang mga kasinungalingan ng ama niyang si Hugo Layer (Joel Torre).

Mababago pa ba ni Diego ang buhay ni Hugo ngayong balak nitong ipaghiganti ang pagkamatay ni Lena? Ano ang kanyang gagawin kapag nalaman niya na si Marie (Cristine Reyes) ay kasabwat din ng kanyang ama? Mas mabubuo ba ni Diego ang kanilang pamilya sa oras na matuklasan niyang si Honesto (Raikko Mateo) ay anak niya?

Huwag palampasin ang huling apat na linggo ng Honesto gabi-gabi pagkatapos ng TV Patrol sa ABS-CBN Primetime Bida.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top