Wednesday , December 2 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Michael, ‘di lang Olympic wonder, TV star na rin

Michael, ‘di lang Olympic wonder, TV star na rin

ni Ed de Leon

KUNG sa bagay, hindi na rin naman iyan ang top issue. Kung ano man ang usapan sa showbiz, natakpan na iyon ng 19th place finish ni Michael Christian Martinez sa Sochi Olympics. Winter Olympics lang iyan, pero ang paghangang nakuha ni Michael, hindi lamang sa mga Pinoy kundi maging sa iba pa sa buong mundo,dahil bukod nga siya ang pinakabata sa labang iyon ay siya lamang ang nagmula sa isang bansang walang snow, aba eh napakalaking bagay iyan.

Maski na ang mga annotator sa mismong coverage ng Winter Olympics, at take note hindi sila Pinoy, humanga nang husto sa mga ipinakitang moves ni Michael. Kaya naman dito, aba eh napakarami nang nagsasabing sila ang coach ni Michael. Marami na ang umaangkin ganoon noong una ay sinasabing ang nanay lamang niya ang nagko-coach sa kanya.

Si Michael ay hindi lamang isang Olympic wonder. Aba eh TV star din siya sa Pilipinas ng ilang araw na, nang hindi niya halos namamalayan.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top