Tuesday , December 1 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Denial Kings sa Senado bakit hindi kasuhan ang mga Girl Friday nila?

Denial Kings sa Senado bakit hindi kasuhan ang mga Girl Friday nila?

00 Bulabugin JSY

GUSTO natin ‘yang hamon ni Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano sa tatlong DENIAL KINGS sa Senado na sina Senate Minority Leader Juan ‘Tanda’ Ponce-Enrile, Sen. Bong ‘Pogi’ Revilla at Sen. Denggoy este Jinggoy ‘Sexy’ Estrada.

Totoo naman ang hamon ni Sen. Alan. Kung totoong wala silang kinalaman at tanging mga chief of staff nila ang nagmaniobra n’yan ‘e bakit hindi nila KASUHAN!?

Like Ms. Gigi Reyes? Bakit hindi siya sampahan ng asunto ni Senator JPE? Ang kanyang deputy chief of staff na si Jose Evangelista?

SONABAGAN!

Kung talagang wala silang ALAM d’yan sa pork barrel scam, dapat noon pa ipinakulong na nila ‘yang mga staff nila na ayon sa kanila ay ‘tinutsubibo’ lang sila?!

Huwag nang mag-DENY!

Tumahimik na lang kayo … you’re adding insult to injury!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top