Thursday , December 3 2020
Breaking News
You are here: Home / News / 2 sorbetero kalaboso sa ‘dirty ice cream’

2 sorbetero kalaboso sa ‘dirty ice cream’

SA KULUNGAN nagwakas ang 10-taon pagkukumpare ng dalawang sorbetero nang hindi maawat sa pagsusuntukan matapos mag-asaran at magkapikonan tungkol sa mga tinda nilang sorbetes sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

Nagsimulang masaya pero nauwi sa solian ng kandila ang tagayan ng magkumpareng sorbetero na kinilalang sina Dennis Demio, 47, putok ang ulo; at Joel Rondina, 47, kapwa residente  ng Charismaville, Brgy. Panghulo, sa nasabing lungsod.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong 5:00 ng hapon, nagsimula ang masayang ino-man ng magkumpare , pero nang malasing pareho, nauwi sa mainitang pagtatalo ang tagayan dahil sa tsismis na hindi masarap at hindi malinis ang timpla ng ice cream na inilalako ni Rondina na kanyang ikinagalit.

Kahit napikon, nagpaalam na lang si Rondina para matulog pero lalo si-yang kinulit,  pinagmumura at sinuntok  ni Demio na kanyang ikinagalit hanggang  hatawin ng  kahoy.

(rommel sales)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top