Friday , December 4 2020
Breaking News
You are here: Home / News / 2 heneral lumusot sa CA (Sangkot sa Burgos at Morong 43 cases)

2 heneral lumusot sa CA (Sangkot sa Burgos at Morong 43 cases)

LUMUSOT sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA) ang kontrobersyal na heneral na si Eduardo Ano, sinasabing may kaugnayan sa pagkawala ni Jonas Burgos.

Kahapon ng umaga, kinompirma ng committee on national defense ng Commission on Appointments ang promosyon ni Ano bilang Major General.

Lusot din ang promosyon bilang Major General ni Gen. Aurelio Baladad, bagamat nakwestyon ang kanyang tatlong pending case sa Ombudsman, Human Rights at  sa Quezon City RTC kaugnay ng Morong 43.

Ngunit ayon kay Sen. Antonio Trillanes, na-settle na ang nasabing mga usapin dahil nasagot na sa nakaraang mga pagdinig.

“Na-resolve na yung opposition na ‘yan nung first confirmation hearing nila for brigadier general. And in fact, hindi na nga umattend dito yung mga oppositors kasi na-resolve na lahat ng mga issues. So, to subject them to the same process, unfair din naman dahil na-resolve na,” ani Cayetano.  (CYNTHIA MARTIN)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top