Thursday , December 3 2020
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / The Most Desirable Woman in the World

The Most Desirable Woman in the World

NAGAWA ngayon taon ng ‘The Most Desirable Woman’ ang kakaibang bagay—hindi lamang siya bida sa pinakaminit na television show ng nakaraang taon kundi napatalsik din niya sa trono ang kaakit-akit na si Jennifer Lawrence mula sa unang baytang ng listahan ng mga kababaihang itinuturing na pinakamaganda.

Inihayag ng AskMen.com ang lista-han ng Top 99 Most Desirable Women of the Year, na ki-nabibilangan ng mga babae sa daigdig ng peli-kula, negosyo, sports, comedy, fashion, musika, at philanthropy.

Para madetermina ang The Most Desirable Woman, mahi-git sa isang mil-yong boto ang kinailangan sa iba’t ibang pa-nig ng mundo ang kinalap sa  45-araw na voting period. Nakapagpalista ang mga editorial team AskMen.comsa Canada, Estados Unidos, United Kingdom at Australia na may 225 kandidata.

Ang The Most Desirable Woman ngayong taon ay ang aktres na si Emilia Clarke, na guma-ganap bilang Daenerys Targaryen sa sikat na serye sa tele-bisyon na Game of Thrones. Sa katunayan, ang 26-taon-gulang na si Emilia ay isa sa tatlong aktres ng Game of Thrones na napasama sa listahan—sina Oona Chaplin at Rose Leslie.

Ang iba pang napalista ay sina sa The Most Desirable Women list ay sina Alison Brie bilang No. 2, Sara Hyland ng Modern Family, Shailene Woodley ng The Secret Life of the American Teenager, at Aubrey Plaza ng Parks and Recreation.

Kinalap ni Sandra Halina

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top