Tuesday , November 4 2025

Duterte sa 2016 ok kay Lim

SUSUPORTAHAN ng dating heneral at Manila Mayor Alfredo Lim ang anomang posisyon sa pamahalaan na aasintahin ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa 2016.

Ginawa ni Lim ang pahayag matapos lumutang  ang pagnanais ng ilang grupo na himukin si Duterte na kumandidato sa pambansang posisyon sa 2016 elections.

Ani Lim, hinahangaan niya ang pagpapairal ng peace and order ni Duterte sa kanilang lungsod kaya nakapamumuhay nang matiwasay ang mga residente at walang nangingiming lumabag sa batas sa Davao City.

Isa sa mga pruweba na iginagalang ang rule of law sa siyudad ay nang hulihin at pagmultahin ang anak ng alkalde na dati si dating Mayor Sarah Duterte dahil sa paglabag sa batas-trapiko.

“Magiging malaking tulong sa pagsasaayos ng peace and order ng Filipinas kung may isang Duterte na igagalang at katatakutan ng mga kriminal, walang mag-aabuso dahil ang pinuno at kanyang pamilya ay tumatalima sa rule of law,” dagdag ni Lim.

Matatandaang inilarawan ni Time correspondent Phil Zabriskie sa kanyang artikulong “ Getting the Job Done Punisher Style” ang Davao City bilang “an oasis of peace in the middle of the Philippines’ lush center of chaos” mula nang maging alkalde si Duterte.

“People once fled the place in fear; now they flee other trouble spots in the Philippines — for Davao,” sabi ni Zabriskie.

Naniniwala si Lim na kung iiral sa buong bansa ang kaayusan at katahimikan, gaya sa Davao City, tiyak na magbubunga ito ng paglago ng ekonomiya kaya’t magkakaroon ng sapat na trabaho para sa mga mamamayan upang maitaguyod  ang kanilang pamilya.

(PERCY LAPID)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Salceda AIAI

Albay AI Institute, inilunsad ni Salceda

POLANGUI, Albay – Inihag at inilunsad sa bayang ito kamakailan ni dating Albay 2nd District Rep. …

Rodjun Cruz

Rodjun aminado Rayver mas magaling sumayaw (kahit dalawang beses nag-champion)

MATABILni John Fontanilla GRAND champion  ang duo nina Rodjun Cruz at Dasuri Choi sa katatapos  na Stars on the Floor ng GMA …

PNP Nartatez Saludo Joel Deiparine

PNP, Nagbigay-Pugay kay Capt. Deiparine: Isang Buhay ng Katapangan, Paglilingkod, at Dangal

Pinangunahan ni Acting Chief PNP, Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang pagkilala …

PNP Nartatez Undas Bus

PNP naka-full alert para sa ligtas na paggunita ng Undas 2025

Habang milyon-milyong Pilipino ang nagsisiuwian upang alalahanin ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay, nakahanda …

Scam fraud Money

Opisyal ng DA at  PRDP  at maliliit na contractors nabiktima ng scammer

ISANG grupo ng mga scammer ang nalantad sa pagpapakalat ng mga gawa-gawang kuwento ng katiwalian …