Saturday , December 5 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / NAKIPAG-PARTNER kamakailan ang international rock star na si Arnel…

NAKIPAG-PARTNER kamakailan ang international rock star na si Arnel…

021814 Arnel Pineda puregold
NAKIPAG-PARTNER kamakailan ang international rock star na si Arnel Pineda sa Puregold Price Club Inc. sa pamamagitan ng  Arnel Pineda Foundation sa isang espesyal na gift-giving event sa mga indigent communities ng Marikina City at Laguna. Bahagi ito ng adbokasiya ni Arnel na ibahagi sa mga Pinoy ang mga biyayang  patuloy na natatanggap. Si Arnel mismo ay galing sa matinding hirap bago siya sumikat sa buong mundo bilang pinakabagong lead singer ng iconic na American rock band na Journey. Inawit at Inirecord ni Arnel ang opisyal na theme song ng Tindahan Ni Aling Puring (TNAP) ng Puregold na pinamagatang TENkyu Po na in line sa 10th anibersaryo ng TNAP noong nakaraang taon. Naghahanda ang TNAP sa 11th installment ng taunang sari-sari store owners convention nito na naka-schedule ngayong Mayo. Binuksan din kamakailan ng Puregold ang Puregold Terraces, ang unang branch ng chain of lifestyle stores sa Fairview, Quezon City. Sosyal at maganda ang hitsura ng Puregold Terraces at very high-end ang dating ng supermarket na ito ngunit taglay pa rin ang murang-murang presyo ng items ng Puregold na siyang nagpamahal sa Puregold sa milyon-milyong mga Filipino.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top