Thursday , November 13 2025

Miguel Cotto sparring partner ni Pacquiao sa GenSan

GENERAL SANTOS CITY – Kinompirma ni assistant trainer Buboy Fernandez na magiging bahagi ng training camp ni 8-division world champion Manny Pacquiao ang three-division world champion na Miguel Cotto (38-4, 31 KOs).

Ayon kay Fernandez, ito ang nabanggit sa kanya ni coach Freddie Roach dahil may nakitang pagkakapareho sa style ni Timothy Bradley si Cotto.

Aniya, posibleng kabilang ang Puerto Rican star sa sparring session ni Pacman ngunit hindi pa tiyak ang petsa kung kailan siya darating sa GenSan.

Dagdag pa ni Fernandez, kung sakali ay malaki ang maitutulong ni Cotto sa training ni Manny.

Sa pahayag pa niya, isang karangalan sa GenSan na may isang boxing world champion na kalaban noon ni Pacquiao, ang mapabibilang sa Team Pacman.

Matatandaang tinalo ni Pacquiao si Cotto via 12th-round technical knockout (TKO) para maagaw ng Pinoy ring icon ang hawak na World Bo­xing Organization welterweight crown nito noong Nobyembre 14, 2009.

Huling laban ni Cotto na siya ay nanalo sa ilalim ng bagong trainer na si Roach ay noong Oktubre nang nakalipas na taon kontra kay Delvin Rodriguez via third round knockout.

Posibleng sunod na pag-akyat sa ring ni Cotto, na lumalaban mula pa noong 2010 sa junior middleweight, ay sa Hunyo.

Samantala, ang Pacquiao-Bradley fight ay gaganapin sa

MGM Grand Garden Arena, Las Vegas, Nevada sa Abril 13.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PSC BSC MSU

Marawi, Umuusbong Bilang Lupain ng Pangako para sa mga Talento sa Palakasan

LUNGSOD NG MARAWI — Sa pakikipagtulungan ng Philippine Sports Commission (PSC), Bangsamoro Sports Commission (BSC), …

DSAS

DSAS balik sa Megatrade Hall ng SM Megamall

DAMHIN ang pangunahing palabas ng mga baril, kaligtasan, at responsableng pagmamay-ari sa bansa sa Nobyembre …

bagyo

Live shows, basketball games, out of town kanselado kahapon 

I-FLEXni Jun Nardo KANSELADO ang ilang live shows at out of town appearances ng ilang …

Carlos Yulo GAP Gymnastics

World Junior Meet malaking ambag sa pagpapaunlad ng Gymnastics sa Pilipinas

ANG pagsasagawa ng ika-3 FIG Artistic Gymnastics Junior World Championships sa bansa ay inaasahang magdudulot …

Alas Pilipinas FIVB Volleyball Girls U17

Alas Pilipinas girls team pasok sa 2026 FIVB Volleyball Girls’ U17 World Championship

AMMAN, Jordan — Nakapagtala ng makasaysayang tagumpay ang Alas Pilipinas girls team matapos masungkit ang …