Tuesday , December 1 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Luis, buong ningning na ipinagmalaking GF na si Angel

Luis, buong ningning na ipinagmalaking GF na si Angel

ni  Roldan Castro

KINOMPIRMA na ni Luis Manzano sa Buzz ng Bayan na nagkabalikan sila ni Angel Locsin. Hindi ngayong 2014 sila pakakasal pero tatawagan daw niya ang host na si Kuya Boy Abunda sa 2015.

“I’m proudly her boyfriend,” deklara niya nang tanungin ni Kuya Boy kung ano ang real score sa relasyon nila.

Pero halatang iritado si Luis sa mga nagsasabing si Angel ang dahilan ng hiwalayan nila ni Jennylyn Mercado at siya naman ang itinuturong dahilan sa hiwalayang Phil Younghusband at Angel.

“Hell no,” bulalas niya.

”I said this before the first time I spoke about the breakup… I was with KC (Concepcion) pa for endorsement. With everything being said and done from so many people… I’ll use the term ignorant and unfortunately, stupid people, I’ll use that term…Jen and I know the real reason why we broke up.

“Our families know the reason why we broke up. Our friends, people close to us know the reason why we broke up and we are definitely sure it’s not Angel. She was never a factor of the breakup.”

Ayaw nang idetalye pa ni Luis kung bakit naghiwalay sila ni Jen. Idiniin din niya na wala siyang kinalaman sa break-up nina Phil at Angel.

Clear!

Dahil sa lovescene…

CHAREE, UMATRAS SA MOVIE NI LAMANGAN

NAGHIHIMUTOK ang  production ng pelikulang Sitio Camcam dahil nag-back out si Charee Pineda bilang Shane, pangatlong asawa ni Allen Dizon. Ang dahilan ni Charee ay baka makaapekto sa kanyang posisyon bilang konsehal ang love scene na gagawin.

Karapatan ni Charee na magdesisyon kung ano ang gusto niya at maiintindihan naman siya pero hindi na niya sana pinatagal at pinaasa ang production. Super pa-interview pa siya sa story conference tapos aatras naman pala sa role.

“We understand her pero sana nag-back out siya after her meeting with Direk Joel Lamangan at sana hindi na siya nag-attend ng story confererence and launching. I feel bad kasi nasira ang flow ng publicity.”

Sa pag-back out ni Charee, si Jackie Rice na nga ba ang kapalit niya sa kontrobersyal na role?

Ngayong Martes ay malalaman ang kompirmasyon kung si Jackie ang papalit kay Charee after ng meeting nina Direk Joel Lamangan sa aktres at sa GMA Artist Center.

Anyway, marami ang nagsasabi na mas bagay ang role kay Jackie kaysa kay Charee. Kawalan din kay Charee na pinaglagpas niyang maidirehe at maisama sa isang Joel Lamangan movie.

‘Yun na!

Jasmine, kulang ang height para sumali sa beauty contest

WALANG balak si Jasmine Curtis na sumali sa beauty contest.

“Hindi po. Kulang ako sa height eh, hindi puwede,” natatawa niyang pahayag dahil 5’4″ lamang ang height niya.

Hindi raw naka-influence sa kanya si Arci Munoz kahit nagkasama sila sa The Replacement Bride ng Studio 5 Original Movies ng TV5.

Si Arci kasi ay nag-join noong 2012 sa Miss World-Philippines pero naudlot dahil may existing contract ito that year sa TV5 at mahihirapan siyang gampanan ang mga obligasyon sakaling manalo siya.

Anyway, huminto pala muna sa pag-aaral si Jasmine.

“I did not enroll. I took an LOA (leave of absence) for one semester sa Ateneo.”

Hindi pa siya sure kung kailan ulit siya mag-i-enroll.

“Hindi pa po sure, eh. Kasi ang dami ng pumasok na projects and it’s so hard to say no, and it’s all coming in now and what if later on walang mangyari, ‘di ba so if there’s projects now why not take it, grab it and do your best and if it works out go, go go!

“If it doesn’t you have school to fall back on naman po,” sey pa niya.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top