Thursday , December 3 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Kagawad kalaboso sa frustrated murder

Kagawad kalaboso sa frustrated murder

SWAK sa kulungan ang isang barangay kagawad, matapos sampahan ng kasong frustrated murder sa Quezon City, kamakalawa.

Kinilala ang akusadong si Jacobo Villafane, 59, may-asawa, barangay kagawad ng Brgy. Sta. Monica, Novaliches.

Sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD) station-4, ina-resto si Villafane dakong 11:30 ng umaga, sa pa-ngunguna ni SPO2 De Guzman kasama ang walong  pulis, sa Pugong Ginto, Sitio Arguagente, Brgy. Sta Monica.

Sa ulat, inaresto  si Villafane sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Hon. Judge Charito V. Gonzales ng Regional Trial Court Branch 80 ng QC-RTC.

Inirekomenda ang P200,000 piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Villafane .

(JETHRO SINOCRUZ)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top