Wednesday , December 2 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Iranian stud patay sa kabayan

Iranian stud patay sa kabayan

PATAY ang Iranian student nang saksakin ng kapwa estudyante sa gitna ng kanilang pagtatalo sa Dagupan City, Pangasinan, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang napatay na si Bagher Nasserosta, 27, habang nasakote ang suspek na si Afshin Mamdavi, 38-anyos.

Batay sa ulat, dakong 9:30 p.m. nang maganap ang insidente sa apartment ng biktima sa Brgy. Bonuan Gueset sa nabanggit na lungsod.

Nabatid na dumalaw ang suspek sa biktima sa kanyang apartment at napunta ang usapan sa paniningil ni Nasserosta kay Mamdawi ng kanyang utang.

Humantong ito sa pagtatalo hanggang kumuha ng kutsilyo ang suspek at inundayan ng saksak sa dibdib ang biktima.  (DANG GARCIA)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top