Friday , December 4 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Bagets dedo, 3 pa sugatan sa rambol

Bagets dedo, 3 pa sugatan sa rambol

PATAY ang isang binatilyo habang tatlo pa, ang sugatan matapos ang naganap na rambulan  sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Dead on arrival sa Manila Central University (MCU) hospital ang biktimang si Rodmike Gerez, 17-anyos, sanhi ng tama ng bala ng hindi nabatid na kalibre baril sa dibdib, at ginagamot  si  Ramon Viernez, 21, kapwa ng Tagumpay St., Bagong Barrio, ng lungsod.

Isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC)  sina Darwin Gamueda, 22, ng Pangako St., may tama ng bala sa hita, at taga sa katawan ang nakasugat  sa sinasabing  pasimuno ng rambulan na si Zeus Fontanilla, 24, ng Pag-asa St., Bagong Barrio.

Sa ulat ng pulisya,  dakong 1:30 ng madaling  araw nang magpang-abot ang grupo  sa Pag-asa St., at matapos ang pagtatalo,  walang sabi-sabing pinagbabaril ni Fontanilla ang mga biktima at nakaganti rin ang isang may dala ng samurai.

(rommel sales)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top