Wednesday , December 2 2020
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Pusa kamukha ni Wolverine ng X-Men

Pusa kamukha ni Wolverine ng X-Men

NAGING latest craze para sa pet owners ang bagong breed ng pusa na kamukha ng X-Men character na si Wolverine.

Ang werewolf-like Lykoi cat ay natural mutation mula sa domestic shorthair na kahawig ng movie character na ginampahan ng aktor na si Hugh Jackman.

Ito ay pinararami na ngayon ng isang grupo ng breeders na pinangungunahan ni  Tennessee-based Lykoi specialist Johnny Gobble at ng kanyang pamilya.

Sinabi ni Gobble, isang beterenaryo, ang Lykois ay nagsimula bilang pinaghalong natural na Sphynx cat mutation at black domestic shorthair, ang unang kuting ay isinilang noong Hulyo 2010.

“The mutation has occurred in other cats, but to date, no reports of anyone starting a breed have been made,” aniya.

Anila, bagay ipangalan dito ang Lykoi dahil ito ang Greek word para sa ‘wolf.’

Ipinasuri ni Gobble ang mga pusa upang matiyak na ang kanilang kakaibang balahibo ay hindi senyales ng sakit.

“What they did find is that some hair follicles lacked all the necessary components required to create hair, which is why Lykoi lack an undercoat,” aniya.

(ORANGE QUIRKY NEWS)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top