Thursday , November 13 2025

Ever-say-diet

KAHIT paano’y marami rin namang fans ang Rain Or Shine dahil sa ipinapakita ng Elasto Painters na kabayanihan sa hardcourt.

Oo’t hindi nila puwedeng kunin ang monicker bilang “never-say-die” team dahil iyon ay pag-aari na ng Barangay Ginebra although hindi naman yata patented yun e. O hindi naman nakarehistro.

Pero siyempre, ayaw naman ng Elasto Painters na masabing copycats sila.

Subalit ang totoo, ganoon din naman talaga ang kanilang brand of basketball.

Aba’y kahit na iwanan ng halos mlya-milya ang Rain or Shine, kahit mawalan ng coach, aba’y makakahabol pa rin basta’t may sapat na oras ng paglalaro.

Ito’y ipinakita nila sa semifinals series kontra sa Petron Blaze.

At ito ay ipinakita rin nila sa Game One ng finals kontra San Mig Coffee.

Aba’y sino ba ang mag-aakalang mananalo pa sila sa Game One? E, lahat ng sitwasyon ay pabor sa Mixers.

Pero hindi inalagaan ng Mixers ang kanilang possession. Isinala ang kanilang tira at pinabayaang makuha ng Rain or Shine ang rebound. Nagtira pa ng ilang segundo.

Hayun, nakalusot ang Rain or Shine.

Hindi ba never-say-die ang tawag dun?

Kaso nga’y sa Barangay Ginebra na ang monicker na iyon, e.

Anmg sa Rain or Shine daw ay: “Never-say-diet!” at ito ay patungkol kina Beau Belga at JR Quinahan (Joke only!).

Hindi na rin naman naghahanap ng monicker ang Rain Or Shine para sa kanilang brand of basketball. Kahit ano pang itawag ng mga tao sa larong Elasto Painters ay okay na rin.

Ang mahalaga’y alam ng lahat na kapag Rain Or Shine ang naglalaro, tiyak na exciting!

Sabrina Pascua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PSC BSC MSU

Marawi, Umuusbong Bilang Lupain ng Pangako para sa mga Talento sa Palakasan

LUNGSOD NG MARAWI — Sa pakikipagtulungan ng Philippine Sports Commission (PSC), Bangsamoro Sports Commission (BSC), …

DSAS

DSAS balik sa Megatrade Hall ng SM Megamall

DAMHIN ang pangunahing palabas ng mga baril, kaligtasan, at responsableng pagmamay-ari sa bansa sa Nobyembre …

bagyo

Live shows, basketball games, out of town kanselado kahapon 

I-FLEXni Jun Nardo KANSELADO ang ilang live shows at out of town appearances ng ilang …

Carlos Yulo GAP Gymnastics

World Junior Meet malaking ambag sa pagpapaunlad ng Gymnastics sa Pilipinas

ANG pagsasagawa ng ika-3 FIG Artistic Gymnastics Junior World Championships sa bansa ay inaasahang magdudulot …

Alas Pilipinas FIVB Volleyball Girls U17

Alas Pilipinas girls team pasok sa 2026 FIVB Volleyball Girls’ U17 World Championship

AMMAN, Jordan — Nakapagtala ng makasaysayang tagumpay ang Alas Pilipinas girls team matapos masungkit ang …