Tuesday , December 1 2020
Breaking News
You are here: Home / Breaking News / TPO, Gag Order ni Deniece vs Vhong ibinasura

TPO, Gag Order ni Deniece vs Vhong ibinasura

021514_FRONT

IBINASURA ng Taguig Regional Trial Court ang hirit ng kampo ni Deniece Cornejo na temporary protection order (TPO) at gag order laban sa TV host-actor na si Vhong Navarro.

Ayon sa korte, walang sapat na basehan ang petisyon ni Cornejo para pagbigyan ang hirit ng kanilang kampo.

DENIECE, CEDRIC ET AL NO SHOW SA PRELIM PROBE

HINDI sumipot sa unang araw ng pagdinig sa Department of Justice (DoJ) sina Deniece Cornejo, Cedric Lee, Bernice Lee at limang iba pang kinasuhan ng TV host-actor na si Vhong Navarro.

Tanging ang abogado ng tatlo na si Atty. Arleo Magtibay ang dumalo sa preliminary investigation.

Ayon kay Magtibay, dumalo sina Cornejo at ang magkapatid na Lee sa pagdinig sa Taguig Regional Trial Court kaugnay ng isinampa nilang petition for temporary protection order (TPO) at gag order.

Binigyan naman ng NBI ang panel of prosecutors na pinangungunahan ni Asst. State Prosecutor Hazel Valdez, ng mga CD na naglalaman ng CCTV footages na kuha mula sa Forbes-woods Heights sa Taguig City noong Enero 17, 22 at 23.

Napag-alaman na noong Enero 17 ang unang pagkakataon na pinuntahan ni Navarro sa kanyang condo unit si Cornejo, at Eenero 22 naman ang ikalawang beses na nagtungo siya sa lugar at nangyari ang pambubugbog sa kanya ng grupo ni Cedric Lee.

Nagbigay rin ang NBI ng kopya ng supplemental affidavit ng security guards ng Megaforce na nakatalaga sa Forbeswoods Heights nang mangyari ang pambubugbog, at ang supplemental affidavit ng mga police officer ng Southern Police District na nakatalaga noong magpa-blotter si Navarro.

KISSING VIDEO INISMOL NI FORTUN

ITINURING ni Atty. Raymond Fortun bilang “non-issue” ang lumabas na CCTV footage na hinahalikan ng negosyanteng si Cedric Lee ang model na si Deniece Cornejo sa loob ng elevator matapos bugbugin ang aktor na si Vhong Navarro.

Sa kanyang Facebook page, inihayag ni Fortun ang kanyang reaksyon kaugnay sa iba’t ibang komento kaugnay sa footage na ngayon ay hawak ng National Bureau of Investigation (NBI).

“Maybe it’s just me, but it looks like the girl didn’t even want to be kissed. Others will think otherwise. What matters is, again, what I personally know,” pahayag ni Fortun, spokesman ni Lee.

“I have met with DC (Deniece Cornejo) and CL (Cedric Lee) in a meeting and over dinner. Di ko nakita nor naramdaman na close sila. For me, this is another non-issue because it does not prove or disprove the parties’ version of events that night,” aniya pa.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top