Tuesday , April 16 2024

Congratulations PAGCOR Chair Bong Naguiat!

00 Bulabugin JSY

NANATILI si Chairman Cristino ‘Bong’ Naguiat, Jr., sa Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor).

‘Yan ay matapos aprubahan ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, ang kanyang appointment kasabay ang apat na miyembro ng board of directors sa nasabing gaming firm na sina  Jorge Sarmiento, Eugene Manalastas, Enriquito Nuguid at Jose Tanjuatco.

Nilagdaan ng Pangulo ang kanilang bagong appointments nitong Enero 15. At sila ay magsisilbi hanggang Hunyo 30 ng taong kasalukuyan.

Malaki ang tiwala ng Pangulo sa kasalukuyang adminsitrasyon ng Pagcor kaya naman hindi na tayo nagtataka kung bakit muli niyang nilagdaan ang kanilang reappointment.

Sabi nga ni Chairman Bong, patuloy at masiglang ginagampanan ng Pagcor ang kanilang tungkulin bilang partner ng gobyerno sa nation-building.

Kabilang na nga rito ang pagpapaunlad ng kalidad ng edukasyon sa bansa sa pamamagitan ng pagpapatayo ng school buildings lalo na sa malalayong probinsiya.

Sa huling ulat, umabot sa P5 bilyon ang kanilang nailaan para sa school building project. Pinakamalaking corporate social responsibility project umano ito ng Pagcor sa loob ng kanilang 28-year history.

Again, CONGRATULATIONS Chairman Bong and keep up the good work!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *