Tuesday , December 1 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Tagumpay ni Jake, utang na loob kay Kuya Germs

Tagumpay ni Jake, utang na loob kay Kuya Germs

ni   Rommel Placente

NAGSIMULA si Jake Vargas sa variety show na Walang Tulugan With The Master Showman hosted by German Moreno. Sa show na ito siya unang nakilala ng publiko.

Ipinagdiriwang ngayon ng Walang Tulugan ang kanilang 18th anniversary. Pero si Jake ay limang taon pa lang dito. Hindi pa kasi siya kasama sa show noong nag-umpisa itong umere sa GMA 7.

“Dito ako nag-start, dito ako nakilala sa ‘Walang Tulugan’. Kaya nagpapasalamat ako ng malaki kay tatay (tawag ni Jake kay Kuya  Germs) dahil isinama niya ako sa show,”sabi ni Jake.

Dagdag niya, ”Marami akong natutuhan sa ‘Walang Tulugan’. Natuto akong kumanta, natuto akong mag-host. Natuto akong hindi mahiya sa mga tao.”

Mula nang mag-join sa Walang Tulugan si Jake ay marami na raw nabago sa kanya.

“Dahil sa ‘Walang Tulugan’, marami akong naging kaibigan. ‘Yung mga matataas na tao (sa GMA 7),nakilala ko na rin.

“Na-improve ko rin ‘yung aking pagkanta at ‘yung sa dancing, so marami.”

Ikinuwento ni Jake kung paano siyang napasok sa Walang Tulugan.

“Dati po akong contestant sa ‘Circle of Ten’. ‘Yung producer namin, si Tito Tom Adrales kilala niya si Tatay (tawag ni Jake kay Kuya Germs).

“Ipinakilala niya ako kay Tatay. Tapos pinakanta niya ako sa radio show niya.

“Tapos sabi niya kung gusto ko raw pumasok sa showbiz, kung gusto ko raw mag-artista.

“Then, isinama niya na nga ako sa ‘Walang Tulugan’ na that time ay sa Broadway Centrum pa ginagawa ‘yung show,” pagbabalik-tanaw ni Jake.

Pero bago napabilang si Jake sa Walang Tulugan ay gumagawa na raw siya ng mga commercial. Kaya nag-start siya as a commercial model bago siya nag-artista.

Mas masaya sila ngayon ni Bea

Last year ay naghiwalay sina Jake at Bea Binene pero nagkabalikan din naman ang dalawa.

Kamusta na ba sila ni Bea?

“Okey naman kami, masaya kami araw-araw.”

Anong nabago sa relasyon nila mula nang magkabalikan sila?

“Mas naging mahal namin yung isa’t isa at saka mas naging matatag kami.”

Sa tingin niya ba this time ay magtatagal na ang relasyon nila ni Bea?

“Sa tingin ko opo,” mabilis na sagot ni Jake.

“Sobrang okey kami ngayon.

“’Yung mga negative na nangyari before sa relasyon namin, naiiwasan na naming mangyari ulit ngayon.”

Selosong boyfriend ba siya?

“Ganoon po ako eh, sobrang seloso.

“’Pag mahal mo ang isang tao, hindi maiiwasan ‘yung selos.

“Kasi kung hindi ka magseselos, hindi mo talaga mahal ‘yung isang tao,”paliwanag pa ni Jake.

Sa darating na Valentine’s Day sa February 14, paano nila ito ise-selebreyt ni Bea?

“Wala pa akong sinasabi sa kaniya kung ano ang plano ko.

“Basta isu-surpise ko na lang siya, paghahandaan ko ‘yun.”

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top