Tuesday , December 1 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Movie nina Piolo at Toni kumita ng 25 million sa first day (Star Cinema No. 1 na naman sa takilya! )

Movie nina Piolo at Toni kumita ng 25 million sa first day (Star Cinema No. 1 na naman sa takilya! )

ni  Peter Ledesma

Masaya ang atmosphere ngayon sa Star Cinema office dahil after kumita ng lampas P300 million ang kanilang “Bride for Rent” na pinagbida-han ng hottest loveteam sa industriya na sina Kim Chiu at Xian Lim. Isa na namang pelikula nila ang nangunguna ngayon sa takilya at ‘yan ay ang “Starting Over Again” nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga. Sa first day of showing pa lang last February 12 in over 140 theaters nationwide ay kumita na ng P25 milyon. Siyempre sa mga susunod na araw at kung hanggang kailan ito abutin sa sinehan ay posibleng umabot sa P300 o P400 million mark ang nasa-bing latest project ng Star Cinema. Yes, dahil sa halos lahat ng movies nila ay pumatok sa takilya walang duda na ang Star Cinema na ang No.1 movie outfit natin sa bansa. By the way, sobrang pinupuri ang “Starting Over Again” nina Papa P at Toni punong-puno raw ng puso ang pelikula. Maganda ang review ng isa sa head ng production team ng Star Cinema na si sir Mico del Rosario sa nabanggit na movie, narito basahin n’yo: “Sobrang tama ‘yung pelikula sa damdamin, sa mga desisyon at higit sa lahat sa mga resulta. Napakahuhusay ng tatlong artista. Toni Gonzaga at her finest, mahirap magpatawa at magpaiyak na naiintindihan mo ang role mo. Si Piolo Pascual, wala pa rin puwedeng tumapat sa kaguwapohan at husay sa pag-arte. Si Iza Calzado, patunay na hindi nakabase sa kaunting exposure para maging mahusay at epektibo sa pagganap. Kay Inang Olive M. Lamasan naman wala pa rin tatalo sa husay magkuwento ng mga damdamin ng tao. Napakaganda at worth watching pano-orin ang pelikulang ito,” buong ningning na pagmamalaki pa ni Sir Mico. Tama siya sa mga papuring binitiwan tungkol sa film na ito na nakakuha ng Graded B sa Cinema Evaluation Boad o CEB. Mahabang congratulatiooonnnsss gyud!

TFC Subscribers  Nakaabang Na Rin Sa Full Trailer Ng Ikaw Lamang Nina Kim Chiu At Coco Mart

Matindi ang impact ng Master Drama Series na “Ikaw Lamang” na pinagbibidahan ng Prinse-sa at Hari ng Teleserye na sina Kim Chiu at Coco Martin kasama sina Julia Montes at Jake Cuenca. Yes, hindi pa man naipalalabas ang nasabing serye lahat nag-aabang na sa airing ng full trailer nito ngayong gabi sa Primetime Bida sa Kapamilya network. Hindi lang ang mga kapamilya natin dito sa Pinas ang nakatutok mamaya kundi ang mga kababayan natin sa iba’t ibang bansa na subscriber ng The Filipino Channel (TFC). Sino ba naman kasi ang hindi mag-aabang kung ganito kalalaki ang bida mo sa isang palabas. Ang kuwento ay timeless love story nina Samuel (Coco) at Isabelle Kim) na di mo puwedeng palampasin sa sobrang romantic at punong-puno ng pagmamahalan pero may komokontra. Tulad ng mga naunang serye ni Coco, power house cast rin ang Ikaw Lamang na kina-bibilangan nila John Estrada, Tirso Cruz III, Ronaldo Valdez, Cherry Pie Picache, Cherie Gil, Angel Aquino at Daria Ramirez. Hindi rin matatawaran ang husay sa pagganap rito ng mga childstar superstar ng ABS-CBN na sina Zaijan Jaranilla at Xyriel Manabat kasama sina Alynna Angeles at Louise Abuel. Ang first team-up na ito nina Coco at Kim ay hatid ng production na nagbigay sa inyo ng iba’t ibang de-kalidad na mga palabas na Dreamscape Entertainment Television na ang head ay ang masipag at mabait na si Sir Deo Endrinal. Mula naman sa direksiyon nina Malu Sevilla at Avel Sunpongco ang Ikaw Lamang.

Cash Prize Na Ipinamimigay Araw-Araw Sa “Trip Na Trip” Sa Eat Bulaga Umaapaw Sa Dami

Kaaliw-aliw naman talaga ang isa sa daily segment na “Trip na Trip” na napapanood sa Eat Bulaga. Kaya naman araw-araw ay maraming napapasaya, napatatawa at nanalo ng cash prize na umaapaw sa dami. May pampakilig pa sa nasabing portion ang Los Viajeros na sina Donovan, Pedro at Eduardo. Si Diego na humahalili kapag may absent na isa sa mga papable at papalicous na group na sikat na sikat na sa ating bansa at sa abroad. Lahat ng mga girl contestant ay ‘di mo puwedeng kiligin sa mga nabanggit na hunky Papa. Ang maganda sa Trip na Trip walang uuwing luhaan kahit tanggal ka ay puwede ka pa rin manalo ng 3K hanggang 5K. ‘Yung isang matitira ay winner na winner ng halagang 10K. Dalawa naman sa Studio Audience na mabubunot ang number ang puwedeng magwagi ng 5K each.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top