Wednesday , December 2 2020
Breaking News
You are here: Home / Breaking News / Sadistang anak todas sa boga ng 83-anyos erpat

Sadistang anak todas sa boga ng 83-anyos erpat

021314_FRONT

PITONG tama ng bala ang tumapos sa buhay ng 48-anyos lalaki matapos barilin ng kanyang 83-anyos ama sa kanilang bahay sa Brgy. Casanayan, Pilar, Capiz.

Patay agad ang biktimang si Jomar Fuentes makaraang barilin ng kanyang ama na si Pelagio Fuentes, 83, gamit ang hindi pa matukoy na kalibre ng baril.

Nabatid sa imbestigasyon, madalas saktan ng anak ang ama sa tuwing nalalasing kaya pinaniniwalaang ito ang dahilan kaya pinatay ng suspek ang biktima.

Nasa kustodiya na ngayon ng Pilar PNP ang suspek na labis na nagsisisi sa kanyang ginawa.

ni BETH JULIAN

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top