Friday , December 4 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Nash at Alexa, ipakikita ang tunay na halaga ng pamilya

Nash at Alexa, ipakikita ang tunay na halaga ng pamilya

ni Reggee Bonoan

IBABAHAGI ng Kapamilya teen stars na sina Nash Aguas at Alexa Ilacad sa TV viewers angtunay na halaga ng pamilya at pagpapatawad sa huling episode ng Wansapanataym Presents Enchanted House ngayong Sabado (Pebrero 15).

Sa gitna ng paghahanap nila ng paraan para mawala ang sumpa, lalong malalagay sa gulo ang pamilya ni Alice (Alexa) dahil sa bagong mahikang natuklasan ng ina ni Philip (Nash) na si Dorothy (Ara Mina).

Matututuhan na kayang magpatawad ni Dorothy kapag nalagay na niya sa kapahamakan ang sariling anak?

Kasama rin sa Enchanted House sina Dominic Ochoa, Nikki Valdez, Candy Pangilinan,Jaime Fabregas, Celine Lim, Brace Arquiza, Marikit Morales, at Aldred Gatchalian mula sa panulat ni Danica Domingo at idinirehe nina Erick Salud at Jojo Saguin.

Huwag palampasin ang pagtatapos ng ‘enchanting’ fairy tale nina Nash at Alexa ngayong Sabado sa Best Development-Oriented Children’s Program ng 2014 UPLB Gandingan Awards naWansapanataym.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top