Wednesday , December 2 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / ‘Kakirihan’ ni Heart, ‘di maitago ‘pag kasama si Chiz

‘Kakirihan’ ni Heart, ‘di maitago ‘pag kasama si Chiz

ni  Ronnie Carrasco III

AS we write this, Heart Evangelista turns older (and wiser in love?) on February 14, mismong Araw ng mga Puso.

Ang araw na ‘yon brings even more meaning to the TV host-actress dahil tamang-tama namang committed na siya kay Senator Chiz Escudero, her guest sa kanyang first birthday episode sa Startalk nitong Sunday.

It was one of the solon’s rare TV appearances, and in a showbiz-oriented program at that. Nagulat nga ba si Heart sa sorpresang panauhin niya? Parang hindi naman, we felt she knew who the show’s guest was bilang isa sa mga importanteng babati sa kanya.

Hinati sa dalawang bahagi ang segment na ‘yon: una with all hosts except for Joey de Leon; at ang pangalawa ay fast talk sa magkasintahan.

But the more exciting, scintillating part ay ‘yung una na ang ”landi-landi” ni Heart who would repeatedly call her boyfriend ”Babe,” while Chiz would melt in shyness.

Sa bahaging ‘yon pinakawalan ni Heart ang kanyang “kalandian,” tulad halimbawa ng pagpapahaging na gusto na niyang magpakasal sa senador at ang pasumpa-sumpa niyang ito na raw ang huling lalaki sa kanyang buhay.

Lumabas din mula sa bibig ni Heart ang kanyang pagiging “unfaithful” noong sila pa niDaniel Matsunaga. Sa mga hindi nakaaalam, Chiz and Heart are 128 steps away from where they reside in the same subdivion.

There would be times na nakikita raw ni Heart ang kasimplehan ni Chiz who would come out of the house dressed in T-shirt and boxer shorts. At kahit dyowa na raw niya noon ang Brapanese model, ”Guwapong-guwapo talaga ako sa kanya (Chiz)!” But Chiz was still married at that time.

Kapansin-pansin din ang pag-i-initiate ni Heart while seated beside Chiz, it was she who would grab the lawmaker’s hand.

Maaaring ipinagbanduhan na ni Heart ang kanyang “kakirihan” on national TV, but such coquettish behaviour—in fairness—was not in bad taste. And who cared? In love na in love ang hitad, so the public might as well give it to her!

Heart’s interview with Deniece, nag-trending

NAGSILBI ring pagkakataon ang episode na ‘yon for Heart to defend herself against her bashers on social media na pumuna sa kanyang pamamaraan ng pag-iinterbyu kay Deniece Cornejo sa February 2 episode ng Startalk along with Butch Francisco.

With over 3,000 hits (and still counting), ang mahalaga kay Heart, she was able to pull off the interview despite the sensitive nature of the subject (usapin) involving an alleged rape victim. Sapat na raw na nag-trending ang joint interview nilang ‘yon ni Butch.

Heart, however, didn’t stop by saying she believed she did her hosting job pretty well. Hindi nga ba’t naging tampulan tuloy ng pang-ookray ang kumpas-kumpas school of acting ni Deniece habang umiiyak na naglilitanya?

Heart also did a Deniece Cornejo na kumumpas-kumpas din while taking pride in the interview that caught social media attention.

Earlier, kausap namin si Butch, himself also at the receiving end of social media bashing. May reaksiyon din ba siya?

“Do I need to react? All I can say is that there were legal limitations to contend with. At least, hindi namin binastos si Deniece sa ‘Startalk’. She had her moment,” ani Butch.

Meanwhile, nakunan ng Startalk ng pahayag ang lola ni Deniece na si Gng. Florenciaat ninang nitong si Ana Miles as they poured out their thoughts and sentiments sa kaso ng kaanak.

As expected, the two women said nicey-nicey stuff about Deniece. Kataka-taka pa ba?

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top