Thursday , December 3 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ikaw Lamang full trailer, mapapanood na ngayong Valentines Day!

Ikaw Lamang full trailer, mapapanood na ngayong Valentines Day!

ANG full trailer ng tinaguriang Master Drama Series ng ABS-CBN, ang Ikaw Lamang ay mapapanood na ngayong Friday sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Ito ay ang Valentine treat ng ABS-CBN at Dreamscape para sa mga loyal Kapamilya.

Ang Ikaw Lamang ay ang pinag-uusapang “once in a lifetime TV event” dahil sa pagsasama ng Prinsesa at Hari ng Teleserye na sina Kim Chiu at Coco Martin. Kasama rin dito sina Julia Montes at Jake Cuenca.

Isang timeless love story nina Samuel at Isabelle ang Ikaw Lamang.

Kasama rin sa cast ang mga batikang aktor na sina John Estrada, Tirso Cruz III, Ronaldo Valdezat ang mga award-winning actresses na sina Cherry Pie Picache, Cherie Gil, Angel Aquino, atDaria Ramirez.

Hindi rin mapasusubalian ang husay ng mga child actor kasama rin ditto tulad nina Zaijian Jaranilla, Xyriel Manabat, Alyanna Angeles, at Louise Abuel.

Ang Ikaw Lamang ay ididirehe nina Malu Sevilla at Avel Sunpongco, at nakatakda na itong mapanood ngayong Marso sa Primetime Bida.                (HNT)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top