Thursday , April 25 2024

GOCCs, GFIs employees umapela kay PNoy (Para sa sahod, posisyon at promosyon)

021314 GOCC GFI

MANIFESTO. Kapit-kamay, walang iwanan at taas-kamay na nagkaisa ang grupo ng Kapisa-nan ng mga Manggagawa sa GOCCs at GFI (KAMAGGFI) na binubuo ng 16 unyon ng mga manggagawa sa mga korporasyon ng gobyerno, sa ginanap na press conference sa National Press Club upang ipahayag ang manifesto ng mga hinaing at kahilingan kay Pangulong Benigno Aquino III para sa makatuwiran at makatarungang benepisyo na dati nang tinatangap ng mga kawani ng mga korporasyon sa pamahalaan. (BONG SON)

NAGPADALA ang Kapisanan ng mga Manggagawa sa GOCCs at GFI (KAMAGGFI) kay Pangulong Benigno Aquino III ng manipesto ng kanilang mga hinaing at kahilingan, kahapon.

Partikular  nilang hiniling kay Pa-ngulong Aquino ang pag-apruba at madaliang pagpapatupad ng Compensation and Position Classification System (CPCS) na isinumite na sa tanggapan ng pangulo noong nakaraang taon, ayon sa Governance Commission on GOCCs (GCG)

Hinihiling din ng grupo na ang anila’y makatuwiran at makatarungang traditional benefits na dati nang tinatanggap ng mga kawani ng mga korporas-yon sa gobyerno, ay patuloy na ipagkaloob habang hindi pa naaaprubahan at naiimplementa ang CPCS.

Hiniling nila na paghinay-hinayin ang Commission on Audit (CoA) sa pagbibigay at pagpapalabas ng mga pahayag na hindi pa pinal at anila’y patuloy na sumisira sa imahe ng mga korporasyon sa gobyerno at mga emple-yado nito.

Anila, ang mga pahayag ng CoA ay tuluyang sisira sa mga negosyo ng mga korporasyon ng pamahalaan na umaasa lamang sa tiwala ng stakeholders, kasama na rito ang pagkakabansag sa mga empleyado bilang mga abusado at tiwaling kawani.

Nais din ng grupo na ipa-batid sa mamamayang Filipino na ang kanilang kinabibilangang  korporasyon  sa  gobyerno ay hindi kumukuha ng pampasahod mula sa kaban ng bayan kundi sa sariling kita nito.

Umaasa silang mauunawaan ng mamamayan na ang mga korporasyon ay patuloy na nagbibigay ng pondo sa kaban ng pamahalaan, ayon sa itinakda ng batas.

Hiniling nila kay Pangulong Aquino, sa GCG, DBM at CoA na sa pagpapatupad ng mga pagbabago ng batas ay alamin din nila ang kapakanan ng mga manggagawa sa GOCCs.

About hataw tabloid

Check Also

fire dead

Nanay naghanap ng kahoy para panggatong
2 PASLIT NA MAG-UTOL NAABO SA SUMABOG NA TANGKE NG LPG

SILANG, CAVITE — Masusing iniimbestigahan ang pagkamatay sa sunog ng magkapatid na paslit base sa …

Ejay Falcon Alan Peter Pia Cayetano ORIENTAL MINDORO

Mga Cayetano, nagpaabot ng tulong  
1,650 BENEPISARYO, 50 TESDA SCHOLARS PARA SA ORIENTAL MINDORO

UMABOT sa 1,650 benepisaryo mula sa iba’t ibang sektor at distrito sa Oriental Mindoro ang …

PCMC MRI and CT scan Pia Cayetano Bong Go

Cayetano nanguna sa pasinaya  
STATE-OF-THE-ART MRI, CT SCAN EQUIPMENT, ATBP FACILITIES SA PCMC

PINANGUNAHAN ni Senadora Pia Cayetano ang pagbubukas ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) para sa …

Navoteño solo parents cash subsidy

Navoteño solo parents tumanggap ng buwanang cash subsidy

SINIMULAN ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng buwanang cash subsidy para sa mga …

drugs pot session arrest

4 arestado sa pot-session sa Valenzuela

SWAK sa kulungan ang apat katao matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *