Tuesday , December 1 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Gatdula abswelto sa ambush kay Esmeralda

Gatdula abswelto sa ambush kay Esmeralda

Inabswelto ng Department of Justice (DoJ) si dating National Bureau of Investigation (NBI) Director Magtanggol Gatdula, sa kaso ng pananambang kay NBI Deputy Director Reynaldo Esmeralda.

Matatandaang, Pebrero 21, 2012, nang masugatan sa isang ambush si Esmeralda sa Maynila.

Pinakakasuhan ng DoJ ng attempted murder ang 11 katao na sina, Tyrone Ong, Perfecto Villanueva, Ronnie Ong, Ramoso Ramos, Alfredo Compoc, Teodoro Abendano, Ricky Dacillo, Gerry Farillon, Jose Maglalang, Jr., Jun Monticlaros at Alvin Monticlaros.

Nakapaloob sa 27-pahinang resolusyon ang pag-amin ng ilan sa mga akusado sa aktibong partisipasyon sa krimen.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top