Wednesday , December 2 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Carla, itinangging pinarunggitan si Marian

Carla, itinangging pinarunggitan si Marian

ni Roldan Castro

PINABULAANAN ni Dingdong Dantes na si Carla Abellana ang first choice sa bagong serye na gagawin niya kasama ang Diamond Star na si Maricel Soriano.

Original daw sa cast si Lovi Poe . Kay Lovi raw talaga ang role at hindi kay Carla.

Kahit si Carla ay nagsasabing walang umabot na offer sa kanya para sa nasabing serye.

Idinagdag din niya na okey sila ni Marian Rivera at nagbabatian. May kumalat na tsismis na hindi sila in good terms kaya natsugi ito na kapartner ni Dingdong.

“Mayroon lang nagpapaaway sa amin,” sambit niya sabay tawa.

Wala rin daw intension si Carla na parunggitan si Marian sa paglagay niya sa Instagram ng picture ng lola niya  na may caption na  “Para sa akin, siya ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa.”

Nasa fans na raw kung ano ang gusto nilang interpretation at lagyan ng ibang meaning. Basta sa kanya raw ay wala siyang ibig ipakahulugan doon. Hindi raw niya kailangang magpaliwanag dahil wala naman daw siyang intension sa naturang caption.

Sa totoo lang, wala ring problema sa kanya kahit magsama sila ni Marian sa isang project.

Open daw siya.

‘Yun na!

Ari ni Vhong, ‘di raw pinaso!

ITINANGGI ni Vhong Navarro na pinaso ang ari niya gaya ng pagkakasabi niyang ‘binaboy nila ako’.

Nakita na raw niya ito at hindi raw niya ‘ari’ yung kumakalat sa social media.

Sa isyung kinakaharap niya kina Deniece Cornejo at Cedric Lee, humingi siya ulit ng ‘sorry’ sa girlfriend niyang si Tanya Bautista sa  Buzz ng Bayan sa pagiging unfaithful.

Tinanong ba niya si Tanya kung mahal pa rin siya talaga?

“Lagi ko namang itinatanong. Noong mga unang tinatanong ko siya, hindi magsasabi. Naiintindihan ko po ‘yun. Kinausap ko rin po ‘yung mommy niya at mga kapatid niya. Humingi rin po ako ng tawad sa kanila. Nakatutuwa rin po na pinagbibigyan po nila ako, parang second chance,” deklara ng komedyante.

“Ito yung pinaka-napaka-down sa buhay ko na pinagdaanan pero until now nandiyan pa rin siya. Talagang dapat siguro hindi na maulit. Hinding-hindi na mauulit na may gawin pa akong ganoon ulit. Dapat maging faithful ako talaga,” dagdag pa niya.

“Gusto ko lang sabihin sa kanya na paulit-ulit, I’m really really sorry. I’m really really sorry and maraming-maraming salamat sa pagbibigay ulit ng pangalawang pagkakataon, sa sobrang pagmamahal at pag-aalaga niya sa akin. Salamat at mahal na mahal ko siya,” bulalas pa ni Vhong.

Humingi rin siya ng sorry sa mga anak niya.

“Gusto ko rin humingi ng sorry kasi sa mga panahong ito, alam ko gusto nilang mamasyal, sama-sama kaming mag-iikot. Pero salamat kasi mas nananaig ngayon ‘yung pag-iintindi sa akin na dapat ako ‘yung umiintindi sa kanila. Salamat, kasi naniniwala sila sa akin. Salamat na nagtitiwala sila sa akin,”aniya pa.

Tsuk!

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top