Thursday , December 3 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sexy, seductive and funny Valentines

Sexy, seductive and funny Valentines

HABANG lumalakad ang panahon, unti-unti na ring nagbabago ang mood ng mga magsing-irog o mag-asawa kapag nagde-date sila sa araw ng mga puso. May  sweet couples na mas feel pa rin ang traditional Valentines date na kumakain o umiinom with candle lights, pero parami naman ng parami ’yung gusto lang gumimik o nagpupunta sa mga concert or comedy show.

Sawa na sila sa senti, gusto nilang tumawa at mag-enjoy.

Kaya sa mga gustong tumawa at mag-enjoy, go na kayo sa Valentine show na Sexy, Seductive and Funny Valentines sa February 13 (Thursday), 9:00 p.m.  sa Off the Grill, Timog Ave. Quezon City tampok sina sexy comedienne Ethel Booba, the seductive girl group Batchmates, at ang funny gay group na Wonder Gays.

Ilang beses na ring nagsama sa mga show sina Ethel, Batchmates, at Wonder Gays at riot talaga sa tuwa at saya.

Wala na kayong hahanapin pa, dahil bukod sa tatawa na kayo, masisilayan n’yo rin ang kaseksihan ni Ethel at ng Batchmates na palaban din sa hatawan, kantahan, at paseksihan.

Ang Sexy, Seductive and Funny Valentines ay hated ng Off the Grill at Skin Rejuve Clinic and LDG Talent Management and Services. For ticket inquiry, please  text or call 09158562896 (Maricon) .

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top