Wednesday , November 25 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Confessions of A Torpe, trending na ‘di pa man ipinalalabas

Confessions of A Torpe, trending na ‘di pa man ipinalalabas

ni Reggee Bonoan

PINAG-UUSAPAN na sa social media ngayon ang bagong serye ng TV5 na Confessions of A Torpe.

Hindi pa man nagsisimula ang mga promo ay trending na agad sa Twitter ang hashtag na #ConfessionsOfATorpe. Patok sa mga netizen ang konsepto ng programa dahil na rin siguro maraming kabataan ang medyo torpe.

Masaya at excited naman ang mga Kapatid star na sina Ogie Alcasid, Gelli de Belen, Albie Casino, Mark Neumann, Shaira Mae, at Alice Dixson sa maagang pagtanggap ng mga netizen.

Mapapanood ang Confessions of A Torpe ngayong Marso 3 kapalit ng Madam Chairman ni Sharon Cuneta.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top