Friday , December 4 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Toni, inaming nag-motel na sila ni Lloydie

Toni, inaming nag-motel na sila ni Lloydie

ni  Roldan Castro

BAGONG kasal, bagong couple ang tinatakbo ng istorya na tinatatampukan nina John Lloyd Cruzat Toni Gonzaga sa Home Swettie Home ng ABS-CBN 2. Sa ilang Linggo pa lang ng sitcom ay naramdaman agad ni John Lloyd na parang isang pamilya talaga ang nabuo sa cast.

“‘Yung chemistry ng family ay mabilis na nabuo,” aniya.

Mapagtiwala  rin si Toni kaya napakanatural ng mga eksenang pagpulupot, paglingkis, at paghimas niya kay Lloydie kahit minsan ay nahihirapan siya at paulit-ulit ang takes.

“Kahit saan ako himasin ngayon, puwede na. Himas na himas na ako.Wala na, eh, nahimas na lahat ng likod, braso, legs, ‘yun lang naman, eh, buhok, go!” deklara pa niya sa mga ginagawa nilang eksena ni Lloydie sa HSM.

May pasabog din si Toni noong Sunday dahil ‘Velentines Day’ episode ng Home Sweetie Home at pumunta sila ni Lloydie sa tahimik at malamig na lugar.

“Hoy sorry, mag-motel kami. Ibang-iba, ‘di ba sa lahat?” bulalas niya nang tanungin kung ilang linggo ang hihintayin para  mag-churvahan na ang  bagong mag-asawa.

“Ang aga-aga niyon, 6:45 p.m. ng Linggo,” reaksiyon naman ni JLC.

Bongga rin  ang naturang episode dahil guest ang ex-girlfriend ni John Lloyd na si Ruffa Gutierrez.

Ani Lloydie, masayang-masaya ‘yung taping nila. Nag-eenjoy daw sila, naging sports daw si Ruffa, kung ano ‘yung mga eksena na hiningi ni Direk Bobot (Mortiz) at ng script ay talagang okey lang sa kanya.

Sey din ni Ruffa: ”Natuwa ako kasi okay lang pala sa ABS-CBN na magkasama kami sa isang proyekto.”

Talbog!

Kuya Germs kahit ibinabagsak, nakababangon pa rin!

NAGSIMULA na noong Sabado ang 18th anniversary ng Walang Tulugan With The Master Showman na napapanood tuwing hatinggabi ng Sabado sa GMA. Magkakaroon ng month-long celebration ang  nasabing show.

“Well sa akin, maipagpatuloy ko pa itong ginagawa ko na kahit na hatinggabi sige lamang,”wish niya sa Walang Tulugan With The Master Showman.

May iba pa bang  kahilingan si Kuya Germs.

“Well ‘yung health mo siyempre hinihiling natin sa ating Panginoon na idinadasal ko na ang katawan ko ibinibigay ko sa kanya sa pagtatrabaho ko. Hindi ko iindahin ang pagod basta kung mas mayroon pa akong magagawa rito, rito na muna ako. Parang nararamdaman ko naman ibinibigay Niya pa rin dahil binigyan niya ako ng anak, mayroon akong apat na apo, siyempre gusto ko pang gabayan ‘yung mga apo ko at saka mga anak ko,”  deklara pa niya.

Nananatili ang loyalty ni Kuya Germs sa GMA at hindi naman niya nararamdaman na hindi na siya kailangan ng naturang estasyon.

“Naging straight naman ako, eh. Noong tinanggal na ang shows ko noong unang management, na nawala lahat in one year ‘yung aking  shows, tinanong ko na, nakipag-one-on-one ako sa Presidente  namin, tinanong ko, ‘Kailangan n’yo pa ba ako o hindi na?’ Sabi niya, ‘Ah hindi, rito ka pa rin!’ Sabi ko, ‘Eh, wala na akong show.’ ‘Ah hindi gagawin ka naming consultant. Eh, personality pa rin ako eh, kailangan may show pa rin ako. So iyon, sabi, ‘Sige, mag-isip ka.’

“Inisip ko ‘yung ‘Master Showman’  so, ayun ginawa ko ‘yung ‘Master Showman’ eh ang ito noong araw 10:30 ng gabi. So, dinumog pa rin ako ng maraming tao dahil live, eh. After two weeks inilagay na ako sa late hour, naging 12:00 na ng gabi, roon na ako sumigaw ng ‘Walang tulugan!’ So nararamdaman ko bakit ako ginaganito? May isang tao talaga na nag-ano sa akin, ‘yun bang, gusto akong i-down. So, ayun ‘yung tao na ‘yun, siya ang nawala! Ako nandito pa rin ako.”

‘Yun na!

Pagmamaldito ni Xian kay Bea, ‘di nagustuhan ni Jake

AMINADO si Jake Vargas na hindi niya nagustuhan na nadawit ang girlfriend niyang si Bea Binene sa pagmamaldito ni Xian Lim sa Banana Nite. Tinanong tuloy siya kung ano ang gagawin niya ‘pag nasalubong niya si Xian?

“Siguro po, wala po siguro. Hindi, alam ninyo naman po siguro na, basta wala po akong masasabi basta ang sa akin dapat inirerespeto talaga ang mga babae,” tugon niya.

Hindi naman daw nila pinag-uusapan ni Bea ang naturang insidente.

“Kasi sa akin naman kasi wala naman siyang sinabi, no comment naman siya roon kay Xian Lim, wala, wala siyang sinabi. Eh, ako naman ayoko ring makialam kasi isyu niya ‘yun eh, pero ako naman gusto ko rin naman na suportahan siya,” sambit pa niya.

Klinaro rin ni Jake na matagal na ‘yung topless niyang larawan na kasama ang isang girl sa kama na kumakalat ngayon sa internet. Ex-girlfriend niya ito at hindi pa siya artista. Hindi lang naman daw silang dalawa ang nasa kuwarto, marami sila roon.

Bakit wala siyang T-shirt sa naturang larawan?

“Mainit,” tugon niya at sabay tawa.

Pinag-awayan ba nila ni Bea ang sexy picture na ‘yun?

“Si Bea, alam na niya ‘yun eh, sinabi ko na sa kanya before na may lumabas na ganyan, na picture, pero sinabi ko sa kanya na wala namang masama roon,” sey pa niya.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top