Thursday , November 13 2025

San Mig vs RoS sa Finals?

LUSOT na ang Rain Or Shine sa finals ng PLDT MyDsl-PBA Philippine Cup.

Naghihintay na lang sila ng makalalaban sa mananalo sa semis ng Barangay Ginebra at San Mig Coffee.

Lamang ang San Mig sa serye, 3-2 at marami ang nagsasabi na malaki ang posibilidad na sila nga ang sasampa sa finals para makaharap ng ROS.

Ngayon pa lang ay may kantiyaw na ang mga miron sa posibleng paghaharap ng ROS at San Mig.

Biruin mo nga  naman na maghaharap ang dalawang teams na may pinakamaangal na coaches sa hanay ng mga teams sa PBA?

Bintang kasi ng mga miron lalo na sa aming lugar sa Tondo na nadadarag nina coach Tim Cone at coach Yeng Guiao ang mga reperi kapag todo na ang kanilang ANGAL.

Si Cone ay halos kainin ng buo ang reperi kapag umaangal sa mga ayaw niyang tawag.   Harapan kung isigaw niya ang protesta sa tawag ng rep.

Si Guiao naman, bukod sa malalakas na sigaw ay may dagdag pa iyon ng mura at senyas ng FY.

He-he-he.  Kunwari ngang nagharap ang dalawang teams sa finals—tiyak na litung-lito ang mga reperi sa angas ng dalawang coaches.

Ang ikinatatakot ng mga miron sa aming lugar, baka mataranta na ang tatlong reperi na tatayo sa bawat laban.

At kapag nangyari iyon—magulong finals ang nakikita natin.

Komento nga ng isa sa miron sa amin, bakit hindi gumawa ng bagong rules ang PBA na maglilimita sa mga angas ng mga coaches.   Nakakasira kasi nga naman sa  ”flow” ng laro ang matitinding angal nina Cone at Guiao.

Alex L. Cruz

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PSC BSC MSU

Marawi, Umuusbong Bilang Lupain ng Pangako para sa mga Talento sa Palakasan

LUNGSOD NG MARAWI — Sa pakikipagtulungan ng Philippine Sports Commission (PSC), Bangsamoro Sports Commission (BSC), …

DSAS

DSAS balik sa Megatrade Hall ng SM Megamall

DAMHIN ang pangunahing palabas ng mga baril, kaligtasan, at responsableng pagmamay-ari sa bansa sa Nobyembre …

bagyo

Live shows, basketball games, out of town kanselado kahapon 

I-FLEXni Jun Nardo KANSELADO ang ilang live shows at out of town appearances ng ilang …

Carlos Yulo GAP Gymnastics

World Junior Meet malaking ambag sa pagpapaunlad ng Gymnastics sa Pilipinas

ANG pagsasagawa ng ika-3 FIG Artistic Gymnastics Junior World Championships sa bansa ay inaasahang magdudulot …

Alas Pilipinas FIVB Volleyball Girls U17

Alas Pilipinas girls team pasok sa 2026 FIVB Volleyball Girls’ U17 World Championship

AMMAN, Jordan — Nakapagtala ng makasaysayang tagumpay ang Alas Pilipinas girls team matapos masungkit ang …