Saturday , December 5 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Relasyon ni Sharon Cuneta sa ABS-CBN oks pa rin (Kahit nasa TV 5 na! )

Relasyon ni Sharon Cuneta sa ABS-CBN oks pa rin (Kahit nasa TV 5 na! )

ni  Peter Ledesma

Kung hindi kami nagkakamali mahigit three years na si Sharon Cuneta sa TV 5. So, kulang ng da-lawang taon na lang ay matatapos na ang kontrata ng megastar sa Kapatid network dahil 5 years nga ang pinirmahan niya rito. Ang maganda kahit na nasa kabilang channel na si Shawie ay hindi niya pinutol ang magandang ugnayan nila ng mga big boss at kaibigan niya sa Kapa-milya network kabilang na ang may-ari ng estas-yon na si Sir Gabby Lopez. So once na mag-decide si mega na bumalik sa pinanggalingang network, anytime bukas ang pinto sa kanya rito. Bilang patunay na okey pa rin ang samahan niya sa mga taga-Kapamilya. Pinagbigyan niya ang request sa kanya ng Star Cinema para i-endoso ang pelikula nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga na “Starting Over Again,” palabas na sa mga sinehan nationwide sa February 12. Very close rin kasi si Sharon sa director nito na si Olive Lamasan na nagbigay sa kanya ng Grandslam sa pagiging Best Actress dahil sa pelikulang idinirek sa kanya na Madrasta kasama si Christoper de Leon. Maraming nagawang movie si Shawie sa Star Cinema at isa siya sa itinuturing na bankable star ng nasabing number one movie outfit sa bansa. Naku! ngayon pa lang ay amoy na amoy na ang pagtabo sa takilya ng Starting Over Again.

Dat’s my positive vibes gyud!

Aquino And Abunda Tonight Mapapanood Na Simula Ngayong Gabi Sa Kapamilya Network

Ang higanteng tambalan ng Queen and King of Talk ng bansa ay nagbabalik sa pinakabagong primetime show ng  ABS-CBN, ang “Aquino and Abunda Tonight.”

Ang mga pinakamaiinit na kwento at mga pinag-uusapang isyu kada araw, mabilis na ihahatid ng Talk Icons na sina Kris Aquino at Boy Abunda sa isang 15 minuter program na magtatampok ng mga showbiz at non-showbiz topics, human-interest stories at mga usaping socio-politikal. Sa pamamagitan ng “Aquino and Abunda Tonight”, mabibigyan ng pagkakataon ang mga manonood na magkaroon ng mas malalim na pag-unawa at mas malinaw na kaalaman sa mga is- yung posibleng makaapekto sa kanilang buhay. Bukod sa mga pinakabagong ulat at mga eksklusibong detalyeng ihahatid ng programa, magkakaroon din ng pagkakataon ang mga manonood na makibahagi sa mga makabuluhang diskusyon sa pamamagitan ng mga polls at social media surveys. Magkakaroon din ng mga live interviews sa mga kontrobersyal na personalidad at mga taong sangkot sa maiinit na isyu. Ang mga walang takot na paglalahad, eksklusibo at deretsahang mga panayam, dagdagan pa ng mga makabuluhang opinyon na siyang tatak nina Kris at Boy, siguradong higit na magiging exciting at interesting sa mga Kapamilya Viewers ang “Aquino and Abunda Tonight” na mapapanood na simula ngayong gabi pagkatapos ng “The Legal Wife Para sa karagdagang updates kaugnay ng “Aquino & Abunda Tonight,” mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

EB Dabarkads At Netizens Masaya Sa Pagbabalik Ni Wally Bayola Sa Eat Bulaga

Si Wally Bayola pala talaga ang tinutukoy na bubuo sa puso ni Jose Manalo para sa kaara-wan niya last Saturday sa Eat Bulaga. Hindi lang ang EB Dabarkads at netizens ang natuwa sa pagbabalik ni Wally sa show kundi ang mga Barangay sa loob at labas ng Mega Manila. Patunay na marami ang nanabik sa kanya, dinumog at pinag-kaguluhan ang komedyante ng lahat ng residente ng isang barangay sa Paco Manila na pinagganapan ng “Juan For All All For Juan!”

Sabi ng isa sa production staff ng nasabing segment sa Bulaga na kasama araw-araw nina Jose Manalo at Paolo Ballestertos ay wala naman raw nabago sa treatment ng mga kababayan natin kay Wally at kitang-kita raw ang kasiyahan nila nang muli nilang nasilayan ang isa sa nagpapatawa sa kanila sa Juan For All.

Kaya mamayang tanghali, abangan dahil kom-pleto na uli sina JOWAPAO (Jose, Wally at Paolo). Nagbigay pala ng maikling statment si Wally para sa lahat ng Dabarkads, at ang hiling lang niya ay mabigyan siya ng ikalawang pagkakataon para maayos ang buhay niya.

Why not gyud!

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top