Wednesday , December 2 2020
Breaking News
You are here: Home / Sports / Pacquiao tinalo ni Miss USA Erin

Pacquiao tinalo ni Miss USA Erin

NAGING guest si Manny Pacquiao ng ESPN and Fox Sports sa New York para i-promote ang pinakaaabangang rematch nila ni Timothy Bradley sa Abril 12 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas.

Isa sa naging katanungan sa kanya ay ang tsansa niya para makabawi kay Bradley.

Ayon kay Pacman, walang duda na tatalunin niya si Bradley dahil obyus naman na siya ang nanalo sa una nilang paghaharap na nauwi sa kontrobersiyal na split decision pabor sa Kanong boksingero.

Tinanong din ni Keith Olbermann, anchor ng ESPN kung interesado siyang makaharap si Floyd Mayweather.  Positibo ang isinagot ng Pambansang Kamao at sinabi nitong “willing” siyang labanan ang tinaguriang Money pero maraming alibi ito kung bakit hindi maikasa ang laban.

Dagdag pa ni Pacquiao na bukas ang kanyang linya sa pagtawag ni Floyd kung itutuloy nila ang laban.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top