Tuesday , December 1 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Marianita, nagpamalas na naman ng kagaspangan ng ugali

Marianita, nagpamalas na naman ng kagaspangan ng ugali

ni  Ronnie Carrasco III

MINSAN pang nagpamalas ng kagaspangan ng ugali si Marian Rivera sa isang showbiz reporter-staff ng isang entertainment show.

Ganoon na lang ang pagtataka ng pobreng female staff why she was at the receiving end ng pasigaw na pagtataray ni Marian ng, ”Hindi na ako magpapa-interview sa ‘yo kahit kailan!”

Naganap ang interbyuhan sa set ng soap ng aktres, na simple at walang kamali-malisya ang tanong ng reporter habang nakaumang ang mikropono sa kanyang subject: ang pakiramdam ni Marian na mas bata ang kanyang leading man, referring to Alden Richards.

Apparently, hindi yata naintindihan ni Marian ang tanong, kaya nagmagaling ang karay-karay niyang staff mula sa kanyang management office who repeated the question but took it out of context. Sabi nito, ”Tinatanong ka, ‘Yan, kung hindi raw ba nagseselos si Dong kay Alden?”

Doon na raw nagpanting ang tenga ni Marian, sabay sabing, ”Hindi ako pumapatol sa bata, ‘no!” Obviously, she, too, failed to comprehend the question.

Shocked tuloy ang nag-iinterbyu who thought to herself na wala namang masama sa kanyang tanong. Para na lang maliwanagan ang nagpupuyos-sa-galit na aktres, the female staff approached the actress’s handler. Hindi pa rin daw siya nilubayan ni Marian who yelled, ”Oy (to her handler), huwag mong kausapin ‘yan (staff)!Tandaan mo, hinding-hindi na ‘ko magpapa-interview sa ‘yo!”

Fast track tayo sa live guesting ni Marian to promote her soap sa programang pinaglilingkuran ng staff. Karay-karay uli ng aktres ang nagsilbing “interpreter” niya sa naunang engkuwentro. ”Nasaan si (pangalan ng female reporter)?” tanong nito.

Nagkataong on leave ang staff. ”Naka-leave o nagtatago?” hirit ng kasama ni Marian. Isang co-staff ang sumagot, ”Wala si (name of reporter), nasa Japan.”

Sagot naman ng nagmamaasim ding kasama ni Marian, ”Nagtatago sa Japan?” Sa puntong ito na lang naliwanagan ang gay companion ni Marian when told,”Nagbabakasyon sa Japan.”

Pahiya tuloy si Marian at ang kanyang kasama. Imagine, ang tinalak-talakan ng hitad ay nagbabakasyon lang naman sa Japan, bansang napuntahan na rin ni Marian para magbakasyon din kasama si Dingdong?

Dayalog ni Marian nang malamang on vacation ang reporter, ”Ah, pakisabi na lang na okey na ‘yun, wala na ‘yun,” referring to their encounter.

Fast forward tayo sa lamay ni Mang Gerry, ama ni Regine Velasquez, sa Plaridel, Bulacan. Sa ibang reporter in-assign ang pag-cover niyon na nagkataong dumalaw ang magnobyong Dingdong at Marian.

Bungad ng hitad sa reporter, ”Ikaw ba ang mag-iinterview?” Tumango naman ang reporter, to which ang isinagot ng hitad ay, ”Buti naman.”

So, anong ibig sabihin ng linyang ”Buti naman”? Buti naman at hindi ipinadala ng programa ang nakaengkuwentro niya? But what if the same female reporter showed up at the wake, makuha kayang tumalak-talak ni Marian sa lamay kesehodang hindi na niya iginalang ang patay?

Marami nang kuwento ng kaangasan si Marian ang nabalita, such stories of megalomania and sheer lack of GMRC which could pass for a book with thousands of pages.

Ang buong akala pa mandin namin, this woman had mellowed after she moved into a new management office. Obviously, iba lang ang namamahala sa kanyang career, but her undesirable manners are here to stay, making her unworthy of emulation by her female fans.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top