Saturday , December 5 2020
Breaking News
You are here: Home / Sports / Hihirit pa ang Ginebra

Hihirit pa ang Ginebra

HINDI na nais ng San Mig Coffee na dumaan pa sa sudden-death at pipilitin na ng Mixers na maidispatsa ang Barangay Ginebra San Miguel sa Game Six ng PLDT myDSL PBA Philippine Cup best-of-seven semifinals series mamayang 8 pm sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Naungusan ng Mixers ang Gin kngs, 79-76 sa Game Five noong Sabado para sa 3-2 abante sa serye. Kung magwagwagi ulit sila mamaya at makakaharap na nila ang Rain or Shine sa Finals.

Pero kung makakabawi ang Gin Kings ay mapupuwersa ng  mga ito ang Mixers sa sudden-death match sa Miyerkoles.

Nagbida para sa Mixers si James Yap na gumawa ng three-point shot upang lumamang ang San Mig Coffee, 78-76.

Matapos ang timout ng Gin Kings ay nagmintis sa drive si LA tenorio at winakasan ni Justin Melton ang scoring sa pamamagitan ng split free throws.

May pagkakataon sanang tumabla ang Barangay Ginebra sa pamamagitan ng isang three-point shot subalit gumawa ng drive si Tenorio at nagmintis sa final buzzer.

“It’s been a big battle of wits for both teams on and off the court.  It’s hard to stay calm. I’m just happy my team is part of this series. We’re up by one game. Does not mean thatmuch but we could finish it off in Game Six. We hope so,” ani San Mig Coffee coach Tim Cone.

May karapatang mabahala si Cone dahil sa hindi naman convincing ang mga panalo ng Mixers sa Gin Kings sa serye. Ninakaw nila ang Game One, 85-83 at nagwagi sa Game Three, 97-89.

Mas balanse ang naging opensa ng  Mixers dahil lima sa kanila ang nagtapos nang may double figures sa scoring. Gumawa ng 14 si Barroca at 12 si Marc Pingris samantalang nag-ambag ng  tig-10 sina Rafi Reavis, Peter June Simon at Yap.

Nagtala ng game-high 20 puntos si Chris Ellis subalit tanging si Jay-R Reyes ang Gin Kings na nag-ambag ng double figures sa 11 puntos. Nagtapos nang may tig-siyam sina Gregory Slaughter at Japhet Aguilar.

Sa kabila ng pagkatalo ay tiwala si Gin Kings coach Renato Agustin na kaya nilang itabla ang serye at mapuwersa ang Game Seven sa Miyerkoles. Ang iba niyang aasahan ay sina Mark Caguioa, Jayjay Helterbrad at Mac Baracael.  (SABRINA PASCUA)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top