Saturday , December 5 2020
Breaking News
You are here: Home / News / 3 patay, 2 pulis sugatan sa drug encounter

3 patay, 2 pulis sugatan sa drug encounter

TATLO ang kompirmadong patay na pinaniniwalaang mga miyembro ng notorious drug group matapos maka-enkwentro ang mga pulis sa isang bahay sa Brgy. Luna, Surigao City.

Kinilala ang mga napatay na sina alyas Jamil, alyas Ma-il at alyas Bogs.

Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director-General Arturo Cacdac Jr., magsisilbi sana ang mga tauhan ng PDEA at Philippine National Police (PNP) ng search warrant nang magpaputok ang mga suspek.

Dahil dito, ginantihan sila ng mga operatiba ng PDEA at PNP.

Sa nasabing palitan ng putok, dalawang pulis ang sugatan.

Nakuha ng mga awtoridad mula sa napatay na mga suspek ang 16 pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na 250 gramo.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top