Tuesday , December 1 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Blind curve patungong Mt. Bontoc walang road signs, walang road hamper

Blind curve patungong Mt. Bontoc walang road signs, walang road hamper

00 Bulabugin JSY

ALAM nating hindi natin hawak ang buhay ng isa’t isa, pero marami talaga ang nanghihinayang sa buhay ng “alagad ng sining” na si  Arvin “Tado” Jimenez.

Nanghihinayang sila dahil natapos ang buhay ni Tado nang walang kapararakan.

Dahil sa kapabayaan ng isang sasakyan nadamay, ang buhay ng iba pang pasahero.

Ayon sa ating source ang kinahulugan nina Tado ay malalim na blind curve, walang road signs at lalong walang nagmamandong tao.

Nagulat siguro ang driver nang makita niyang hindi pala deretso kundi paliko ang kalye at huli na para kabigin nag manibela kaya lumipad ang bus.

Ang mas lalong nagakagugulat dito ay nang matuklasan na ang particular na bus ay hindi na pala pag-aari ng Florida. Ibinenta na pala ito sa ibang operator pero hindi man lang na-notify ang LTFRB.

Sino ngayon ang mananagot sa karumal-dumal na pagkamatay ng mga biktima?!

Tsk tsk tsk …

Paging LTFRB! PAGING LTO!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top