Saturday , December 5 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Mga katapat na show ng Showtime, pinadapa! (Dahil sa mga T-Boom…)

Mga katapat na show ng Showtime, pinadapa! (Dahil sa mga T-Boom…)

PINADAPA pala ng It’s Showtime ang lahat ng katapat nitong programa noong Sabado sa pagtatapos ng That’s My Tomboy.

Panalo sa ratings game ang It’s Showtime sa Urban, Rural, Mega, at Metro noong Sabado kaya ang running joke rin ay, ‘grabe pala ‘pag nagkaisa ang mga T-Boom kasi kayang-kaya nilang pataubin ang mga programang katapat ng ‘Showtime’.  Isipin mo, marami palang tomboy sa Pilipinas?’

Mukhang totoo naman ateng Maricris na mas marami ang interesado sa beauty contest ng tomboy kaysa mga bading kasi hindi naman gaanong mataas ang ratings kapag beauty contest nila ang pinanonood.

Eh, kasi naman first time mangyari sa national television na magkaroon ng pa-kontes para sa T-Boom.

At nakatulong ng malaki ang maraming fans ni Epey Herher na taga- Occidental, Mindoro na siyang nanalo sa That’s My Tomboy.

Iisa ang tanong ng netizens, kukunin daw ba ng Star Magic si Epey Herher?

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top