Friday , December 4 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Deniece at Cedric, lalong nadiin sa Vhong Navarro case

Deniece at Cedric, lalong nadiin sa Vhong Navarro case

ni  Nonie V. Nicasio    

NAPASOK na ng NBI kamakailan ang condo unit na tinutuluyan ni Deniece Cornejo sa Forbeswood Heights sa The Fort. Dahil sa pangyayari, lalong nadiin sina Deniece at Cedric Lee dahil hindi tumugma ang kanilang mga naunang pahayag hinggil sa insidente ng umano’y pangre-rape ni Vhong Navarro kay Deniece na naging dahilan para masira ang TV at iba pang gamit sa condo.

Makikita sa mga nakuhang videos at larawan ng NBI na walang mga nasirang gamit sa condo at maayos na nakapuwesto ang mga gamit ni Deniece. Ipinakita rin dito na naroon pa ang pagkain na dala ni Vhong noong January 22, gabi na nangyari ang insidente.

Although ang claim ng abogado ni Denice na si Atty. Howard Calleja, inalis na raw sa condo ang mga nasirang gamit. Pero pinagtaasan naman ito ng kilay ng mga netizen na nagsabing, “Bakit nila nilinis ang condo, samantalang ebidensiya ito sa sinasabi nilang mga nasira na gusto nilang pabayaran kay Vhong?”

Anyway, base sa ulat ng ABS-CBNnews.com sinabi ni NBI special investigatorRommel Ramirez na hindi sira ang TV at nakasabit pa rin daw ito. Na sinang-ayunan ng may–ari ng condo na si Soledad Ramos. Nagpahayag ito na so far ay wala raw siyang nakitang mga gamit na nadagdag o nabawas sa condo na actually ay ipinaupa niya sa Malaysian na si Greg Binunus.

Ang pahayag ng NBI ay taliwas sa statement ni Cedric na nabasag daw ang TV at iba pang gamit sa condo dahil sa kanilang ‘bugbugan’ nina Vhong kaya humihingi sila sa komedyante ng danyos na noong una ay P800,000 and later-on ay ginawa nilang P1 milyon para sa iba pang damages daw. Matatandaang sa naunang panayam kay Cedric, nilinaw niya ang isyu ng paghingi ng pera kay Vhong. “Ang issue sa pera ay ‘di po extortion. Nag-come up kasi iyan kasi na-damage iyong properties ni Deniece sa condo dahil sa pag-uupakan namin, nabasag ‘yung 40-inch TV,” pahayag ni Cedric.

Sa pangyayaring ito, tila unti-unti na ngang lumilinaw ang ilang mga detalye ng usaping ito na talaga namang tinututukan ng publiko. Kaya marami ang nag-aabang sa pag-usad ng kaso, lalo na kapag nagsimula na itong dingin ng korte.

Sa bandang huli, kahit na si Vhong ay nabuking sa pagiging two-timer at tinawag na babaero ng ilan, marami ang bumilib kay Vhong dahil sa ipinamalas niyang tapang para panindigan ang katotohanan at sa paghahangad niyang makamit ang hustisya at panagutin sa batas ang mga nambugbog at nambaboy sa kanya.

Eva Bay, talented na impersonator!

IBA ang angking galing na singer-host, stand-up comedian, at impersonator na siEva Bay. Magaling siya at talented, in fact, kayang-kaya niyang mag-impersonate ng mga sikat na singer gaya nina Lady Gaga, Celine Dion, Mariah Carey, Lani Misalucha, Jaya, Regine Velasquez, at maging si Janno Gibbs!

Kaya naman isang imbitasyon ang dumating kay Eva para maging regular host at performer sa isang bar sa Estados Unidos. Noong una, iniisip niyang niloloko lang siya ng mag-asawang Myleng at Melvin Rabara, may-ari ng PaYaSo, isang comedy bar sa San Francisco, California kaya hindi niya gaanong pinansin. Ang nasa isip niya, mas maraming kilala at sikat na performers kaysa kanya sa Music Box na pinaglilingkuran niya mula pa noong 2008. Hindi raw tinantanan ng mag-asawa si Eva at ipinaliwanag sa kanyang siya lang ang nakita nilang babagay sa kanilang bar para mag-host. Aliw na aliw daw sila sa mga videos na napanood nila kaya sure silang magki-click din ang performer sa mga bar-goers sa US.

Sa ngayon, inaayos na ni Eva ang mga kinakailangang papeles sa paglipad sa US at patuloy pa rin ang kabi-kabilang shows na nilalabasan niya: FH Sing-Along Bar sa Sta. Mesa (Martes), Comikera Comedy Bar (Huwebes at Biyernes), Music Box (Sabado). Tuwing Linggo, naghu-host siya at nagpe-perform sa iba’t ibang mall sa Kamaynilaan kasama ang Fabe Models.

Last Thursday, nakipagsabayan siya sa biritan sa espesyal na pagtatanghal sa jampacked show nila ni Anton Diva Sa Comikera Comedy Bar at nakipagtagisan din sa pagpapatawa kay Ate Gay nang sumunod na araw. Ngayong buwan ng Pebrero, siya ang itinampok ng FABE Productions para sa kanilang pam-Valentines na handog, ang Valentines with Eva Bay na sinimulan na noong Sunday sa Event Center ng SM City Marilao.

Aliw na aliw sa kanya ang mga nakapanood dahil talaga namang bigay na bigay mag-perform ang all-around performer na si Eva. Bago magpakitang-gilas sa PaYaSo Comedy Bar sa Tate si Eva, panoorin n’yo muna siya ngayong Biyernes, February 7 sa SM Las Piñas para sa isang gabing solve na solve sa kasiyahan.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top