Friday , December 4 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Bitoy, alagang-alaga ng asawa

Bitoy, alagang-alaga ng asawa

ni  Nene Riego

NAKATUTUWA naman ang super-comediang si Michael “Bitoy” V at ang wife niyang si Carol. Apat na ang mga anak nila’y super sweet pa rin sila sa isa’t isa,

Nang pumasyal kami sa teyping ng Bubble Gang kamakaila’y napuna naming iba ang dinner ni Bitoy na nakalagay sa Tupperware kaysa ibang members ng cast. Nang tanungin namin ang isang member ng production staff kung may special diet ba si MV ay sinabi niyang padala ni Carol ‘yon. O, ‘di  ba? Sarap magmahal ni misis. Kaya pala si mister ay never nabalitang may ibang chick.

We also gathered na Sunday is family day ni Bitoy. At kapag nagbakasyon ito sa ibang bansa’y kakabit ang asawa at mga anak.

Bisita ngayong Biyernes sa sa BG ang premyadong aktres na si Jaclyn Jose. Teka, ano ang ginagawa ng dramatistang ermat ni Andi Eigenmann sa isang comedy show?

Guest din ang magandang sample ng Eat Bulaga You’re My Foreignoy na si Jacky Woo na mas matagal pa ang inilalagi sa ‘Pinas kaysa Japan.  Makikipagkulitan din sina Sheena Halili, TJ Marquez, Louise delos Reyes, RJ Padilla, at Kevin Santos.

Make Friday nights your date with the Bubblers, Bubblets, at Bagong Gang.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top