Saturday , December 5 2020
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / 2-anyos totoy nagpakitang gilas sa skateboarding

2-anyos totoy nagpakitang gilas sa skateboarding

NAGING internet sensation ang “diaper-wearing 2-year-old skateboarder” mula sa Australia makaraang lumabas ang kanyang video habang nagsasagawa ng skateboarding sa kalsada, tumatalon sa curbs at dumadaan sa hagdanan (bagama’t may adult na umaasiste sa kanya).

Ngunit mapapansin din na hindi siya nakasuot ng helmet o ano mang protective gear. Wala rin siyang suot na sapatos.

Ang nasabing paslit na si Kahlei Stone-Kelly, ang itinuturing na world’s youngest skateboarder.

Sinasabing siya ay mula sa pamilya ng skateboard enthusiasts, at nagsimulang mag-skateboard noong siya ay anim na buwan pa lamang, ayon sa news reports.

Napag-alamang ini-upload ng kanyang ama ang video sa Facebook nitong unang linggo ng buwan, ngunit kamakailan lamang napansin ng mga manonood.

Magmula nang mai-post, isang nagmamalasakit ang nagbigay sa paslit ng safety helmet.

(LOST ANGELES TIMES)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top