Saturday , October 24 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Kailan kikilos si Batangas PNP-PD Col. Omega Fidel vs Perya-sugal?

Kailan kikilos si Batangas PNP-PD Col. Omega Fidel vs Perya-sugal?

00 Bulabugin JSY

HANGGANG sa kasalukuyan ay hindi pa rin daw kumikilos ang police provincial director sa lalawigan ng Batangas na si Senior Supt. Omega Jireh Deocares Fidel tungkol sa perya-gal na may halong color games, dropballs na itinayo sa Barangay 6, Poblacion sa bayan ng Talisay, Batangas.

Ito ay kahit na sandamukal ang reklamo ng mga residente mula sa Brgy. Sta Maria, Poblacion, Banga at Aya tungkol sa perya de pasugalan ni alais BOKNOY na ang protector ay isang nagpapakilalang bagman ng Batangas PNP na si alias JHONG TONG.

Ano ba ang ‘parating’ ng mga perya-gal operator kay Kernel Fidel at dedma lang siya sa mga sugal-lupa na ito!?

Sa Balayan, Nasugbu, Taal open for public na ang bookies ng loteng, sakla at mga tupada-han.

Pakisagot nga KERNEL OMEGA?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top