Thursday , October 22 2020
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Nakapulot ng pera sa kalsada

Nakapulot ng pera sa kalsada

Eow po senor h,

Ako po c melody nang cavite. 31 years old, tanong ko lang po anu po b ibig-sabihin nang panaginip ko. Lagi po ako nanaginip na nakakapulot nang pera sa kalsad.. Nang tag iisang daan minsan naman po barya.. Tnx po senor h, god bless you and more power po. (09335463877)

To Melody,

Ang pera ay maaaring nagre-represent ng confidence, self-worth, success, o values. Ikaw ay may lubos na tiwala sa iyong sarili. Alternatively, ang ganitong bungang-tulog din ay may kaugnayan hinggil sa pananaw ukol sa love and matters of the heart. Ito ay maaaring nagpapakita rin ng mga nakalagpas, hindi napansin, o nawalang pagkakataon o suwerte na dumating sa iyo. Kapag nakakita ng pera sa panaginip, maaaring ang kahulugan nito’y ang tagumpay at kaunlaran ay halos abot kamay na.  Dapat lang na ipagpatuloy ang pagsisikap at ang mga positibong bagay na ginagawa.

Ang iyong panaginip ukol sa barya ay nagpapakita ng mga nakalagpas, hindi napansin, o nawalang pagkakataon o suwerte na dumating sa iyo. Posible rin naman na may kaugnayan ito ukol sa mga desisyon na iyong ginagawa, pati na rin ang kawalan ng responsibilidad sa mga pasyang ginagawa.

Señor H.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top