Thursday , October 22 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Media convoy nakaligtas sa roadside bombing

Media convoy nakaligtas sa roadside bombing

COTABATO CITY – Tiniyak ni Maguindanao Governor  Esmael “Toto” Mangudadatu na ligtas na ang sitwasyon ng ilang mamamahayag na nagkataong dumaan nang mangyari ang roadside bombing sa hangganan ng mga bayan ng Rajah Buayan at Mamasapano, Maguindanao.

Ayon kay Mangudadatu, nagkataon na dumaan ang convoy ng  media na kinabibilangan ng ABS-CBN, GMA7 at TV5 nang maganap ang pagsabog na tinatayang 100 metro mula sa kalsada.

Ayon kay 6th Infantry Division Philippine Army spokesman Col. Dickson Hermoso, ang pambobomba ay kagagawan ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Sinasabing target ng nasabing pagpapasabog ang truck ng militar na dadaan sa nabanggit na lugar.

Una rito, nagbabala si Bangsamoro Islamic Freedom Movement (BIFM) Spokesman Abu Misry Mama sa mga mamamahayag na huwag sumakay sa mga sasakyan ng sundalo o kaya makisabay sa convoy kung ayaw  madamay sa kanilang pag-atake.  (HNT)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top