Saturday , April 20 2024

May kinatatakutan ba ang mga board of stewards?

MALUNGKOT ang pagpasok ng Bagong Taon sa isang apprentice jockey. Naparusahan siya ng suspension na 24 racing days ng mga stewards ng Santa ana Park.

Si jockey B.L. Salvador sakay ng kabayong Tito Arru sa race 3 ng Class Division 1 ay nasilip ng mga Board of Stewards ng Santa Ana Park na walang interest na ipanalo ang sakay niya.

Teka, bakit yung mga class A jockey na madalas MAGBIYAHE ng kanilang mga sakay ay hindi yata nakikita ng mga Board of  Stewards ng tatlong karerahan?

Porke Class A jockey ay takot ba ang mga Board of Stewards ng tatlong karerahan na parusahan ang mga ito kahit na gumagawa ang mga ito ng katarantaduhan sa ibabaw ng kabayo?

Maraming karerista ang nagsasabi na kapag naliyamado sa betting ang sakay ng class A jockey ay sa malamang na biyahe na ito.

Marami nang napanood sa mga monitor ang mga mananaya na kung paano UMARTE at gawan ng paraan para  matalo ang sakay ng mga class A jockey.

Mayroon bang kinikilingan ang mga Board of Stewards ng tatlong karerahan sa mga class A jockey? Takot ba silang parusahan ang mga ito?

Hiling ng Bayang Karerista na maging parehas ang mga Board of Stewards sa pagpapataw ng parusa maging apprentice man ito o mga Class jockeys.

oOo

NAKAUSAP po natin sa telepono ang butihing Commissioner/Executive Director Jesus B. Cantos ng Philippine Racing Commission (Philracom) tungkol sa malaking pagbabago ng sales sa taong 2013.

Nang matapos kaming mag-usap sa telepono ay nagtext po siya tungkol sa malaking pakinabang ng Horse Racing Industry dito sa ating bansa dahil sa maayos nilang pamumuno.

Ito ang text niya sa akin. Sales this year inc by 3.05% by PO.23B to P7.78B…Registered Horses grew by 9% to 582, Horse Owners increased by 1% to 394 while prize money increased in Q4 by 9% too.

Maganda balita ito mula sa pamunuan ng Philracom sa pamumuno ni Chairman Angel L. Castano, Jr.

Kung ganito ang laging mamumuno sa Philracom tiyak gaganda ang takbo ng horse Racing Industry dito sa ating bansa.

oOo

Sa mga OPERATORS ng Off-Track Betting Stations sana daw ay laging maayos ang pakikitungo ng mga machine teller sa mga mananaya.

Pag-umayaw o hindi na tumaya ang mga tao sa OTB ninyo,  tiyak SARADO KAYO!

Freddie M. Mañalac

About hataw tabloid

Check Also

NYBL Butz Arimado TOPS PSC

NYBL Inter-Cities lalarga sa Mayo 4

ISASAGAWA ng National Youth Basketball League (NYBL) ang 2nd Inter-Cities and Municipalities basketball championship  sa …

Philippine athletics TOPS PSC

Philippine athletics meet tatakbo na

Manila — Inilalagay ng Philippine Athletics Track and Field Association ang kanilang pinakamahuhusay na atleta …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

MILO 60th Anniversary

 MILO Philippines kicks off 60TH year celebration;  underpins commitment to grassroots sports development

15 April 2024 | Manila, Philippines – In a celebration event to mark its 60th …

Sambo PH team TOPS Paolo Tancontian Ace Larida

Sambo PH team potensiyal sa int’l arena

KUNG medalyang ginto ang nais ng sambayanan mula sa contact sports, ibilang ang Sambo sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *