Saturday , October 24 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kim Chiu shock sa laki ng kinita ng pelikula nila ni Xian Lim (Lume-level na kay Vice Ganda at sa iba pang Kapamilya bankable stars!)

Kim Chiu shock sa laki ng kinita ng pelikula nila ni Xian Lim (Lume-level na kay Vice Ganda at sa iba pang Kapamilya bankable stars!)

LAMPAS 300 milyon na ang kinikita ng Bride for Rent na pinagbibidahan nina Kim Chiu at Xian Lim at palabas pa rin ito hanggang ngayon at mayroon pang mga sinehan na puno pa rin ng tao.

Showing na rin ang Bride for Rent sa ilang theaters sa Amerika at Canada. Kaya naman hanggang ngayon ay shock pa rin si Kim at feeling ng young actress ay nananaginip lang siya sa laki ng kinita ng movie nila ni Xian sa Star Cinema. Kaya naman sa Instagram Account ni Kim ay punong-puno siya ng pasasalamat sa kanyang mga tagahanga at supporters.

“good morning friends, romans, countrymen!!!!!! WOW!!!!!! a GGGOOOOOODDDDD MORNNING indeed maraming maraming 1,000.000,000x salamat po sa suporta nyo sa bride for rent!!!!:) unbelievable overwhelming! bbasta lahat na! salamat po sa inyong lahat!!!:) #thankyoupapaGOD,” post pa ng Kapamilya star.

Last week, idinaos ang Victory Party para sa pelikula na dinaluhan nina Kim at Xian at top executives ng Star Cinema na kinabibilangan nina Ma’am Malou Santos (managing director), Sir Roxy Liquigan, Sir Mico del Rosario atbp.

Aba! Sa sobrang laki ng kinita ng Bride

for Rent ay puwede ng lumebel si Kim kina Vice Ganda at sa iba pang Kapamilya bankable stars na 300 milyon pataas ang box office returns ng mga pelikula. Sa ngayon ay si Vice Ganda ang “Reyna sa Takilya” dahil ang Girl Boy Bakla Tomboy niya ang itinuturing na Highest Grossing Filipino Film of All Time. Almost 500 milyon ang kinita ng nasabing film na entry ng Star

Cinema at Viva Films sa nakaraang Metro Manila Film Festival 2013. Malay natin, baka sa follow up movie nina Kim at Xian ay maka-400 million or more pa ang maglabtim.

Sa industriyang ito ay walang imposible gyud!

GOT TO BELIEVE NINA KATHRYN AT DANIEL PATINDI NANG PATINDI ANG IMPACT SA VIEWERS

Simula nang sabihin ni Chichay (Kathryn Bernardo) na hindi na niya mahal si Joaquin (Daniel Padilla) at nagkahiwalay nga sila ng lalaking nag-iisa sa puso niya. Maliban sa nag top trending worldwide ang teleserye ng dalawa na “Got to Believe” ay mas lalo pang tumaas ang rating nito. Kasi ayaw pumayag ng Katniel fans at iba pang supporters nina Kathryn at Daniel na hindi sila ang magkatuluyan. Kaya gabi-gabi ay nakatutok ang lahat at sabik silang mapanood ang pagbabalikan ng kanilang mga idolo. Hiwalayan ni Joaquin si Liza Soberano at balikan niya si Chichay. Although nagkikita at nagkakasama na uli ang dalawa ay wala pa rin reconciliation na nangyayari sa kanila dahil hindi pa talaga bumabalik ang buong alaala ni Joaquin na si Chichay ang mahal niya at ang talagang girlfriend niya. Hate ngayon ng Katniel fans si Liza dahil feeling nila ay inagaw niya si Joaquin kay Chichay. As of presstime ay umabot na sa 33.6%. Ito ay base sa National Ratings last January 30 (Thursday) para sa Urban at Rural Primetime. Siyempre kasama rin sa cast ng Got to Believe sina Carmina Villlaroel, Ian Veneracion, Manilyn Reynes, Benjie Paras and many more.

BY PUBLIC DEMAND, “YOU’RE MY FOREIGNOY” SA EAT BULAGA EXTENDED

Supposedly sa original plan ng Eat Bulaga para sa kanilang maka-Pinoy na segment na “You’re My Foreignoy” ay pang one week lang ang contest na ito. Pero dahil sa demand o request ng maraming Dabarkads hindi lang dito sa Pinas kundi sa iba’t ibang mga bansa, pinagbigyan ng Bulaga management ang lahat kaya extended na ito. After manalo ng banyagang si Diego Furonil na may pusong Pinoy na taga-Italya na itinanghal na “Youre My Foreignoy Ginoong Luzon.” Ang Ginoong Visayas Forreignoy naman ang hinahanap ngayon ng EB. Simula nitong Lunes ay dalawang contestant araw-araw ang nagpapakitang gilas para pumasok sa weekly finals sa darating na Sabado. At ang isang pasok na rito ay si Christian Arno Williams ng England na winner noong Lunes. Tumataginting na 50K ang nag-aantay para sa mananalong “Youre My Foreignoy” Ginoong Visayas at abangan ‘yan this Saturday sa Eat Bulaga.

After ng Ginoong Luzon Foreignoy ay susundan naman ito ng Ginoong Mindanao na kokompleto na sa nag-iisa at walang katulad na YOU’RE MY FOREIGNOY.

ni  Peter Ledesma

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top