Saturday , October 24 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Akyat-Bahay niratrat utas

Akyat-Bahay niratrat utas

TADTAD ng tama ng bala sa katawan ang hinihinalang miyembro ng Akyat-Bahay Gang, matapos pagbabarilin ng ‘di nakilalang suspek habang naglalakad pauwi sa kanyang tirahan, sa Taguig Citykamakalawa ng umaga.

Namatay noon din ang biktimang si Ronald Melendez, 22, ng 18-G Banana St., Purok 3, New Lower Bicutan, sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan.

Ayon kay Chief Insp. Jerry Amindalan, duty officer ng Taguig police station, dakong 6:00 a.m. naganap ang pamamaril sa Road 5 panulukan ng A. Reyes St., sa lugar.

Sa rekord ng pulisya, nahaharap si Melendez sa iba’t ibang kaso ng pagnanakaw at panghoholdap, at kilala rin miyembro ng Akyat-Bahay gang.

May hinala ang pulisya na may kaugnayan sa ilegal na gawain ng biktima ang motibo sa pamamaslang.

(JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top