Wednesday , October 21 2020
Breaking News
You are here: Home / News / 3 patay sa motorsiklo vs truck sa Rizal

3 patay sa motorsiklo vs truck sa Rizal

PATAY ang tatlong kabataan nang sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang truck sa Tanay, Rizal kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Supt. Noel Versoza, Rizal Police chief, ang biktimang sina Henry Fineza, 18, driver ng motorsiklo, ng #30 P. Burgos St., Brgy. Concepcion, Baras; Paul John LLagas, 22, ng Sitio Kay-Tago, Baras, at Mark Richard Paul Delfina, nakatira sa Sitio Hinadyungan, Tanay Rizal.

Hawak na ng Tanay PNP ang driver ng truck na si Abner Motivo, 35, nakatira sa Sitio Sambal, Brgy. Sampaloc, Tanay.

Sa imbestigasyon ni PO2 Genaro Bejer, dakong 5 p.m. nang maganap ang insidente sa Sampaloc Road, Brgy. Plaza Aldea, ng nabanggit na bayan.

(ED MORENO)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top